120: Ikaw? Ako? Kami.

131K 2.4K 279
                                    


December na. We can already feel the spirit of Christmas. Sinisimulan na nga rin ng bawat section ang pagsasabit ng decoration sa kani-kanyang room. Sa December 18 kasi ang Christmas party ng buong school at may premyo ang may pinaka-magandang room design.

Kanina noong recess, habang busy ang mga kaibigan ko, kaming dalawa na lang ni Deane ang magkasamang bumili ng pagkain para sa grupo.

AKO: May tatanong pala ako. Naalala ko 'dun sa 50 Facts na binigay mo sa akin, 'di ba tuwing Christmas nagpupunta rin kayo ni Ate Jean sa Canada para makasama ang parents niyo?

DEANE: Oo. Pero this holiday, pass na muna since malapit na rin naman namin silang makasama.

AKO: So dito kayo magki-Christmas at New Year ni Ate Jean?

DEANE: (Tumango)

AKO: Kung ganun, dapat mag-celebrate rin tayo.

DEANE: Ta—tayong dalawa?

AKO: Hindi. Kasama syempre si Ate Jean pati sina Kasper, Ara, Mina at Rose.

DEANE: Ahh! Okay... anong gift pala gusto mo?

AKO: Kailangan pa ba 'yun?

DEANE: Oo naman!

AKO: Hmmm... kahit ano. Ikaw?

DEANE: Ako?

AKO: Oo. Ikaw?

DEANE: Gusto mo akong gift?

AKO: Huh? Sabi ko, ikaw? Anong gusto mong gift?

DEANE: Ahh... akala ko ako 'yung gusto mong gift eh.

AKO: Sira! Ang gulo mong kausap!

DEANE: Ikaw.

AKO: Ako? Ako pa 'yung magulong kausap?

DEANE: Hindi.

AKO: Huh?

DEANE: Wala. Basta. Hehe.

AKO: Ang gulo mo!

DEANE: Magulo ka rin. (Tinawanan na lang ako)

Ang gulo but we get the point. Or did we really get it? Hay! 'Di bale na nga! Basta usapang matino, magsi-celebrate kami. Kung iisipin kasi, ito ang first Christmas na magkakasama kami.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon