64: Boy Friends

166K 3.6K 327
                                    


Boy friends. Hindi 'yan jowa in plural form. BOY space FRIENDS. Ang sarap magkaroon ng mga kaibigang lalaki.

ADVANTAGE 1: Para kang may bodyguard

Dalawang lalaki na 'yan. Ewan ko na lang kung hindi ko pa ma-feel na safe ako. Kapag recess, hindi na ako nababalya kapag may unahan sa pila doon sa cafeteria. Wala na ring nagtatangkang mang-agaw ng lamesa.

ADVANTAGE 2: May instant 'boy' ka

'Yung 'boy' na nauutusan 'yan. Willing kasi silang magbuhat at magbantay ng mga gamit. Kapag may naiiwan nga akong gamit sa classroom, sila na ang mag-ooffer na tumakbo at kumuha 'nun para sa akin.

ADVANTAGE 3: Parang walking vendo

Mayroon na akong taga-libre ng potato chips, Jungle juice at ano mang pagkain ang ituro ko sa cafeteria. Kung minsan, nag-uunahan pa sila sa paglibre sa akin. Minsan nga kahit tumanggi na ako, sila pa namimilit! Ang dami tuloy natitira sa allowance ko.

ADVANTAGE 4: Source of entertainment

Ibang klase ang humor ng mga lalaki. 'Yung babanat sila ng joke na kahit korni, kapag tumawa sila eh mahahawa ka na lang din. Actually, mas nakakatawa ang tawa nila kaysa doon sa mismong joke. Meron din silang tinatawag na slapstick comedy. 'Yung kunwari papatirin ang isa sa kanila tapos gaganti ng batok at sunud-sunod na 'yung balyahan, sikuhan, tadyakan at paghawi nila sa isa't isa. Saka susunod ang...

ADVANTAGE 5: PDB moments pa more!

Kapag malapit nang magkapikunan, dinadaan na nila sa PDB moments para magbati! Grabe ang pagpapala sa akin ni Lord upang maging saksi ng kanilang kaabang-abang na love-hate relationship!

ADVANTAGE 6: Boyfriend material.

NO! ERASE! HINDI KASAMA 'TO! YUCK! EWW!

But fine. Dahil sa kanila, naiisip ko na agad 'yung hahanapin kong good qualities sa isang potential boyfriend—in the FAR FUTURE. Kasi eww pa rin talaga! Ayoko ng usapang lovelife!


So I therefore conclude na masaya talaga magkaroon ng boy friends lalo na kung sina Deane at Kasper iyon. Period.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon