90: I Love You...

160K 3.3K 944
                                    


CONTINUATION...

Matapos ang birthday surprise nina Amanda kay Deane, sobrang na-badtrip talaga ako at hindi ko siya makausap. Ni tingin sa mga mata niya ay hindi ko magawa.

Paano ba naman, noong Sabado pala ang birthday niya! Noong araw na dapat may lakad kami pero nagkasakit ako! Grabe! Nakaka-badtrip na sobrang nakaka-guilty rin! Birthday celebration pala dapat 'yun pero nauwi sa pagbabantay niya sa taong may sakit.

Kahit sina Kasper, Ara, Mina at Rose, nagtampo kay Deane dahil hindi rin nito sinabi sa kanila. Ang palusot niya, hindi naman daw kasi siya mahilig mag-celebrate ng birthday. Bilang peace offering niya sa grupo, nanlibre siya kanina at nag-share pa ng cake niya. Pero hindi ako basta-bastang masusuhulan sa ganun!

Buong araw na hindi ko talaga siya pinansin. Kahit noong uwian, sinadya kong maunang umalis para hindi siya makapagpaalam sa akin. Pero hindi naman ako umuwi agad. Tumambay lang muna ako doon sa burol.

Naiinis ako! Naiinis ako! NAIINIS TALAGA AKO! Kaso naiyak din ako. Ang weirdo ko na talaga. At buong akala ko nga, masosolo ko na ang lugar para makapag-senti ako, pero laking gulat ko nang dumating pa rin si Deane.

DEANE: Yecats?

AKO: (Nagulat. Tumayo. Tumalikod. Punas-luha) Anong ginagawa mo rito?

DEANE: Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong ginagawa mo rito? Sabi nila pards, umuwi ka na.

AKO: Uuwi na nga ako. (Saka ko dinampot ang mga gamit ko para umalis na sana pero...)

DEANE: (Pinigilan ako) Hindi dyan ang daan. Sa kabila.

AKO: (Yumuko at sa kabila na dumaan)

DEANE: (Pinigilan ulit ako) Joke lang. Doon talaga ang daan.

AKO: Ang sira ulo mo naman eh!

DEANE: Ga—galit ka?

AKO: (No comment)

DEANE: Binibiro lang kita.

AKO: (No comment. Walkout na lang)

DEANE: Teka! (Humawak sa magkabilang braso ko para paharapin ako) Galit ka talaga?

AKO: (No comment)

DEANE: Yecats!

AKO: (No comment)

DEANE: Kapag hindi ka nagsalita, hahalikan kita!

At magsasalita naman na talaga dapat ako pero nauna na niya akong halikan sa pisngi. 'Yung parte kung nasaan ang nunal ko.

AKO: Ba—bakit mo ako hinalikan?

DEANE: Hindi ka nagsasalita eh! Pero bakit maalat? (At saka niya lang nahalata) Umiiyak ka? Hala!

Lalo tuloy akong naiyak sa tanong niya. Maski ako, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Kaya lalong hindi ako nakauwi. Hindi ako pinayagang umalis ni Deane hanggang sa tumahan na ako at sabihin ko raw sa kanya kung anong dahilan ko.

AKO: Bakit kasi hindi mo sinabi na birthday mo pala noong Sabado?

DEANE: May sakit ka 'nun.

AKO: Kahit na! E 'di dapat sinabi mo pa rin noong inaaya mo pa lang ako sa lakad na 'yun!

DEANE: Sorry na. Balak ko naman talagang sabihin kaso naisip ko baka ma-awkward ka sa akin.

AKO: Bakit ako mao-awkward?

DEANE: Let's say na ngayon kita aayain. Yecats, birthday ko sa Sabado at gusto ko ikaw lang ang kasama kong mag-celebrate. Papayag ka ba?

AKO: Oo.

DEANE: Seryoso ka?

AKO: Oo... kasi 'di ba sabi mo rin noon dahil ako lang ang may utang sa 'yo? Tsaka syempreparang tayo na rin ang best friends kaya okay lang sa akin na tayong dalawa lang.

DEANE: Best friends?

AKO: Oo... o ako lang ba ang nag-iisip ng ganun?

DEANE: (Ang tagal niyang tumitig sa akin. Tapos ngumiti siya. Ginulo ang buhok ko at saka ako inakbayan) Sorry na, best friend. (Biglang tumawa pa)

AKO: Nagso-sorry ka ba talaga o pinagti-tripan mo lang ako?

DEANE: Ito naman! Masaya lang ako na malaman ko na mas mataas na ang level ng friendship natin. Naalala mo dati, hinahabol-habol lang kita? Ngayon, best friend na ang turing mo sa akin. Kaya nga sorry na kung hindi ko na nasabi sa 'yo na birthday ko. Ililibre na lang kita ng mas maraming potato chips!

AKO: Hindi ako basta-bastang madadaan sa suhol mo.

DEANE: Ganito na lang, birthday gift mo na lang sa akin na patawarin mo ako. Okay?

At magmamatigas pa rin sana ako, kaso paano ko ba naman matitiis ang pangungulit niya?

DEANE: Yecats! Oy! Sorry na. Ha? Bati na tayo? 'Wag ka nang magalit. Ngingiti na 'yan Ngingiti na 'yan! (Sabay sundot sa pisngi ko) Ngiti ka na. Please? Bati na tayo!

AKO: Heh!

Saka ko siya tinalikuran. May kinuha ako sa bag ko at pumunit ng isang papel para ibigay sa kanya. Nagtaka nga siya kung para saan 'yun.

AKO: Siguro naman may ballpen ka?

DEANE: Meron... pero bakit mo ako binigyan ng papel?

AKO: Tingin ko alam ko na kung bakit ako naiinis. Naalala ko kasi dati sa amin ni Mel, kahit na siya na ang tinuturing kong best friend noon, wala akong alam tungkol sa kanya. Tapos, huli na ang lahat na mas kilalanin pa siya dahil maaga siyang kinuha ni Lord. (Saka ako tumingin sa kanya) Kaya hindi ako papayag na ganun din ang mangyari sa atin. Punuin mo 'yang buong papel na 'yan ng 50 facts tungkol sa sarili mo at bukas mo ibigay sa akin. Saka lang tayo magbabati.

At balak ko na sanang umalis pero siya naman ang may pahabol...

DEANE: Para fair, dapat bigyan mo rin ako ng katulad ng ganito.

AKO: (Nag-isip. Ngumiti) Okay, deal. Uwi na ako.

DEANE: Ingat!

AKO: Ikaw rin. (Tumalikod)

DEANE: I love you...

AKO: (Natigilan at nilingon ko siya)

DEANE: (Nakangiting kumakaway) ...best friend.

Well, naga-'I love you' rin naman sina Ara, Mina at Rose sa isa't isa so tingin ko okay lang din na magsabihan kami ng ganun ni Deane. After all, best friends nga, 'di ba?

AKO: I love you too. Bye!

Pero pagkasabi ko 'nun, ang weird na naman ng naramdaman ko. Napatakbo na nga lang ako paalis. Baka bumalik na naman ang sakit ko. 'Wag naman sana!




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon