113: Dahil...

137K 2.4K 287
                                    


Wednesday ngayon kaya kahit uwian na, nandito pa rin ako sa room namin para maglinis. Matapos ang gawain ko, nagpunta na ako sa CR para makapag-hugas ng kamay. Nagmamadali na nga rin ako para makauwi na pero natigil ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa classroom ng first section.

Hindi ko inaasahan na makikita ko pa si Deane. Akala ko umuwi na siya. Mag-isa lang siya, nakaupo sa upuan niya, nakapahinga ang ulo sa mga braso niyang nakapatong sa desk.

Matamlay pa naman siya nitong mga nakaraang araw kaya agad ko siyang nilapitan at kinapa ang noo para alamin kung may sakit ba siya. Pero nagkagulatan kami, lalo pa nang kumapit siya ng mahigpit sa kamay ko.

AKO: Na—nagising ba kita?

DEANE: Hindi ako natutulog. (Matamlay pa rin) Anong ginagawa mo rito?

AKO: Wednesday cleaner ako. Eh ikaw? Kanina pa uwian, bakit nandito ka pa?

DEANE: Wala lang.

AKO: Wala ka namang sinat o lagnat. Sinisikmura ka ba? May masakit ba sa 'yo?

DEANE: Wala rin.

Muli na siyang yumuko at ipinatong ang ulo sa desk niya. Kaso hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa mga daliri ko. Nilalaro ang kuko ko. Bigla siyang nagsalita nang hindi pa rin tumitingin sa akin.

DEANE: Magagalit ka ba kapag nagtanong ako tungkol sa inyo ni Liam?

AKO: Hindi.

Inaantay ko nga lang na magtanong o magpa-kwento tulad nina Kasper.

DEANE: Nagkita kayo noong Sunday?

AKO: Oo. Pero nagkataon lang 'yun nang mag-grocery kami ni Mama.

DEANE: Anong pinag-usapan niyo?

AKO: Binasted ko lang siya.

DEANE: Agad?

AKO: Oo.

DEANE: Anong sabi niya?

AKO: Hmmm... gusto pa rin daw niya ako.

DEANE: Anong sabi mo?

AKO: Basted pa rin siya.

DEANE: Bakit?

AKO: Anong bakit?

DEANE: Bakit wala siyang pag-asa?

AKO: Dahil ayoko. Dahil sa 7B's. Dahil...

Natigil ako sa pagsasalita nang hilain pa niya ang kamay ko at gawin na itong unan. Para bang lumapat pa ang labi niya sa balat ko at nararamdaman ko na ang hininga niya sa palad ko.

Nang gawin niya 'yun, para bang nawala na rin ako sa sarili ko. Nag-aalala ako sa kanya at ayaw ko siyang nakikitang malungkot kaya yumuko ako hanggang sa madikit ang labi ko sa may gilid ng kanyang noo.

Nagulat siya at agad na napatingala sa akin. Natauhan naman din ako.

"Anong ginawa mo?" tanong niya sa akin pero hindi ako nakaimik dahil maski ako ay nagtataka.

'Bakit? Bakit ko nga ba ginawa 'yun?'

TO BE CONTINUED...



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon