111: Good Morning!

140K 2.4K 140
                                    


Monday. Tulad nga ng na-predict ko, ako na naman ang student's enemy no.1 ng school namin. Sa pila pa lang kaninang flag ceremony, pakiramdam ko na-murder na ako in a hundred ways sa matatalim nilang tingin. Hindi pa rin sila nakakaget-over sa ginawa ko kay Liam noong Friday.

Pero wala akong pake dahil wala silang alam. Maduling sila kakairap sa akin!

Pagkatapos ng ceremony, pinaaakyat na sa kani-kanyang room ang bawat sections mula first year to fourth year. 'Di ko lang inaasahan na aalis si Liam sa pila nila para tumungo sa direksyon ko. Parang mga bodyguards naman ang mga kaibigan ko na pumalibot sa akin.

MINA: Alert! Alert! Palapit si Liam. Palapit si Liam.

ROSE: Guys, 'wag niyong kalimutan ang formation!

ARA: 'Wag kang mag-alala, Stacey. Kaming bahala sa 'yo.

KASPER: Oo nga, magtago ka lang sa likod namin, Stacey. Hindi namin siya hahayaang makalapit sa 'yo.

Napa-facepalm ako imbes na ma-touch sa kanilang apat, tapos natanaw pa namin si Deane na patakbo na ring lumapit sa amin para pigilan si Liam.

LIAM: Ano bang nangyayari? Bakit niyo tinatago si Stacey? (At tumingin kay Deane) At bakit mo ako pinipigilan?

DEANE: 'Wag kang magsimula ulit, Liam. Nasabi na namin sa 'yo na hindi pa siya handa—

LIAM: Pero nagkausap na kami kahapon.

DEANE: Ha?

AKO: Totoo 'yun. Okay na kami. Kaya ko na siyang kausapin.

DEANE: Nagkita kayo?

AKO: Nagkasalubong lang kami sa supermarket.

KASPER: So nanliligaw ka na sa Stacey namin?

LIAM: Hindi eh. (Idinisplay na naman ang signature depressed look niya)

AKO: Oy! May kailangan ka ba?

LIAM: (Ngumiti) Babatiin lang kita ng 'Good morning.'

Tss! 'Yun lang pala! May ganitong eksena pa?

AKO: Okay, bumalik ka na sa pila niyo. (Saka ako tumingin kay Deane) Ikaw rin.

Napangiti ng malaki si Liam at bumalik na sa sarili nilang pila. Ganun din si Deane pero 'di ko na nakita ang reaksyon niya. Na-shock naman ang madlang nakapanood sa pag-uusap namin. Mga napahiya lang eh.

Anyway, pagdating namin sa room, kinulit na ako ng mga kaibigan ko kung ano ba talagang nangyari. Wala akong choice kundi ikwento na sa kanila at basta sabi ko, okay na 'yun. Wala nang issue sa amin ni Liam.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon