13: Bad trip

272K 4.6K 221
                                    

Napapadalas na ang pagsusulat ko rito sa journal. Pasensya na, bad trip lang. At marami akong hinaing.

Lumevel-up na ang pangungulit saakin ni Melanie. Dati sa classroom lang, ngayon pati tuwing recess, saakin na rin siya sumasama! Ang clingy niya pa masyado. Nag-suggest ako na maghanap siya ng boyfriend kung gusto niyang may kalampungan. Sabi niya, ako lang, sapat na! Lintek, nati-tibo na yata saakin ang babaeng 'to.

Pero ito talaga ang isa ko pang kinaiinisan. Diba nga ilang araw na akong nauubusan ng potato chips sa cafeteria. Inisip ko noong una, baka nagkataon lang. Pero kanina noong recess ulit, ang haba na naman ng pila tapos nalaman ko na kaya pala nauubos agad yung potato chips ay dahil pinapakyaw pala 'nung kaklase kong lalaki para ipanlibre sa mga kabarkada niya!

Bad trip! Bukas na bukas, mauuna na talaga ako sa pila!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon