101: Sticky Guy

136K 2.5K 135
                                    


It's been almost a week since magsimula ulit ang klase at mangyari ang sticky notes confession na iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamove-on ang buong school sa nangyari.

Binansagang si 'Sticky Guy' ang mystery person na gumawa noon at nagmistulan din siyang 'most wanted' dahil gustung-gusto na siyang makilala ng lahat. As in lahat sila, pwera lang ako ako.

Sa classroom namin habang wala pa ang teacher namin para sa sunod na subject, iyon pa rin ang topic.

MINA: Sige na naman kasi, Stacey! Pumayag ka nang mag-imbestiga kami!

ROSE: Oo nga! Kating-kati na kaming malaman kung sino siya! Hindi ka man lang ba naku-curious na kilalanin si Sticky Guy?

AKO: (Buntong-hininga) Hindi. At ayoko.

KASPER: Nasabi sa akin ni pards na last year, nakatanggap ka rin ng love letter?

ARA: Oh my gosh, Stacey! Ikaw na talaga ang pinaka-magandang babae sa buong school.

KASPER: Para sa akin, pareho kayong pinaka-maganda sa lahat.

MINA: Biglang banat, Kasper?

ROSE: Paano naman kami ni Mina?

ARA: Wait! Back to the topic kasi! Hindi kaya iisa lang si Sticky Guy at ang secret admirer mo from last year?

MINA: Oo nga!

ROSE: May point!

KASPER: Stacey, nasubukan mo na bang pagkumparahin kung magkapareho ang handwriting nila?

AKO: Malay ko...

KASPER, ARA, MINA & ROSE: Pero—

AKO: (Padabog na ibinagsak ang librong binabasa ko sa desk) Guys... (Inisa-isa ko silang tignan) Naiirita na ako. Tama na, please?

KASPER, ARA, MINA & ROSE: (Nagulat. Natahimik)

AKO: Sorry. (Saka nag-walkout papuntang C.R.)

Hindi ako sa kanila naiinis kundi sa nararamdaman ko. Ewan ko ba. Nakakairita. Makilala ko lang ang ulikbang Sticky Guy na 'yan, yari siya sa akin! Ginugulo niya ang buhay ko!




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon