156: Proposal

127K 2.3K 325
                                    


Parang mga nakuryenteng pusa sina Mina at Rose dahil sa kilig. Nakakuha kasi sila kanina ng double proposal mula sa mga classmates naming sina Timothy at Brenan.

ARA: Akala ko ba, ayaw niyo sa manliligaw ng isa't isa?

MINA: Sino bang aayaw sa ginawa ni Timothy ko!

ROSE: At ni Brenan ko!

MINA & ROSE: Nakakakilig kaya! (At sabay na naghagikhikan)

ARA: Eh ikaw naman, Stacey? Baka nagpropose na rin si Deane, hindi ka lang ng nagku-kwento.

AKO: Hindi ah. Hindi pa siya nagpo-propose.

ARA: Kasing-kupad din ng pagong 'tong si Deane! Baka kailangan na namang i-push namin 'yan ni Kasper!

AKO: (Natawa na lang) Okay lang, ano ba kayo! Hindi naman kailangan ng date para maging masaya ako sa araw na 'yun.

ARA, MINA & ROSE: Mukha mo, Stacey!

AKO: (Napahawak sa pisngi) Bakit? Anong meron sa mukha ko?

ARA: Hindi ka pupunta ng prom na walang ka-date!

MINA: At hindi kami papayag kung hindi si Deane ang ka-date mo!

ROSE: Itatakwil namin kayo pareho kapag hindi kayo nagtino!

Napaatras ako palayo sa kanilang tatlo. Parang nagiging bayolente na yata sila kapag ang pinag-uusapan ay kaming dalawa ni Deane.





CONTINUATION...

Pagkatapos ng practice kanina, nagpasya ang buong barkada na mag-merienda muna. Medyo napasarap ang pagkukwentuhan kaya hindi namin namalayan palubog na pala ang araw.

Buti na lang, nag-prisinta si Deane na ihatid ako pauwi. Nailibre pa nga niya ako ng ice cream at pagkatapos ay sabay na kaming naglakad sa daan...

AKO: Deane...

DEANE: Hmmm?

AKO: Hindi ka pa naman nagpo-propose sa ibang babae, 'di ba?

DEANE: (Napatingin sa akin) Wala akong balak mag-propose sa ibang babae.

AKO: Kung ganun, tayo na magka-date!

DEANE: (Biglang nabulunan. Nahulog pa 'yung ice cream niya sa semento)

AKO: Hala! Ano ka ba naman, Deane!

DEANE: (Mala-planggana pa rin sa laki ang mga mata na nakatingin sa akin)

AKO: Sayang 'yung ice cream...

DEANE: Inaaya mo ako sa prom?

AKO: Oo. Pinilit ako nina Ara eh.

DEANE: Pinilit ka nilang mag-propose sa akin?

AKO: Hindi. Pero dapat daw tayo ang magka-date.

DEANE: Yecats naman! (Biglang napasapo sa noo niya at ginulo ang sariling buhok) Syempre, hindi talaga ako papayag na iba ang maka-date mo. Pero sana hinintay mo ako! Inunahan mo ako eh! Ako dapat ang magtatanong sa'yo!

AKO: Seryoso? Eh ba't ang bagal mo?

DEANE: Humahanap ako ng magandang moment! Gusto ko maging best proposal 'yun!

AKO: (Natawa na lang at tinapik siya balikat) Hindi ko na kailangan 'nun. Basta tayo na mag-date para wala nang daming kaek-ekan gaya ng napapanood ko sa school.

DEANE: (Hindi pa rin maipinta ang mukha)

AKO: Ayaw mo yata eh? (Kunwari malungkot)

DEANE: Oy! Ano na namang pinagsasabi mo? Gustung-gusto ko kaya!

AKO: E'di tapos na ang usapang ito. Yey! (Nauna na akong maglakad ulit)

Oh ayan! Ang daling natapos ng problema, 'di ba? Si Deane na talaga ang makaka-date ko sa prom.





Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon