104: Isnabera

143K 2.5K 198
                                    


Mas maaga akong pumasok ngayon. Alam ko kasi kung sino ang pinaka-unang dumadating sa amin tuwing umaga at tulad ng inaasahan ko, natanaw ko na agad si Deane sa tambayan namin.

Pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si... ano nga bang pangalan ng lalaking 'yun? Basta taga- first section din siya. Naging classmate ko rin last year pero hindi kami close kaya nalimutan ko na agad pangalan niya. Pero sikat siya. 'Yun lang ang alam ko.

Napatingin sila pareho sa akin nang makalapit na ako. Agad na nagpaalam si dating classmate, "Sige, Deane. Una na muna ako. Mamaya na ulit." Pero nang magtama ang mga mata namin, "Hi Stacey! Kumusta?" bati niya sa akin.

Hindi ako nakaimik. Isang ngiti at tango na lang ang sinagot ko. Nang mapansin niyang parang napilitan lang ako, hindi na siya nagtanong pa ulit at tuluyan nang umalis. Medyo na-shock kasi ako. Kilala pala niya ako.

Ngayon kaming dalawa na lang ni Deane, pagkakataon na ito para makipagbati sa kanya. Tatabihan ko na sana siya sa inuupuan niyang bench kaso lumipat siya para maupo sa damuhan.

Syempre, sinundan ko pa rin siya at doon na lang din sa damuhan naupo. Kaso tinalikuran naman niya ako. At kung susubukan ko namang tumabi ulit, usog lang siya ng usog. Dyusko! Ang hirap niyang amuhin!

AKO: Deane...

DEANE: Isnabera ka.

Hala! Sino kaya sa amin ang snob ngayon? Kanina pa nga ako buntot ng buntot!

DEANE: Naging classmate mo rin naman si Liam dati. Kahit ba simpleng pagsagot lang na okay ka, hindi mo magawa?

Oh! Liam pala pangalan ni dating classmate!

DEANE: Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa 'yo.

AKO: Pwede mo akong patawarin.

DEANE: (No comment)

AKO: Sorry na sa pagiging awkward ko.

DEANE: (No comment)

AKO: Pinipilit ko naman nang baguhin ang pagiging anti-social ko. Nagsasalita na rin naman na ako ng madalas. Nakalimutan ko lang talaga ang name ni dating classmate kaya hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

DEANE: Ang galing-galing mong mag-memorize ng mga pinag-aaralan natin tapos simpleng pangalan, nakakalimutan mo?

AKO: Hindi ka pa nasanay? Naalala mo dati noong nagalit sa akin si Amanda dahil Joy ang nailagay ko sa flyers imbes na Jane.

DEANE: (Natahimik sandali) Tch. Oo na.

AKO: Sorry na rin dahil sa naging pag-uusap natin noong nakaraang araw. Pinag-isipan ko ang mga sinabi mo. Binigyan na nga rin ako ng advice ni Kasper kasi napansin niyang nagkatampuhan tayo. Alam ko na ang pagkakamali ko Deane kaya sorry kasi hindi ko agad naintindihan ang punto mo.

DEANE: (Hinarap na niya ako)

AKO: Bati na tayo?

DEANE: (Nakatitig pa rin)

AKO: 'Wag mo akong gayahin. Magsalita ka naman.

DEANE: (Ngumiti na pero seryoso pa rin) Gusto ko rin mag-sorry kasi masyado akong nag-overreact sa mga sinabi ko.

AKO: Naiintindihan ko naman. Okay lang 'yun kaya nga bati na talaga tayo, ha?

DEANE: Tch! Matitiis ba naman kita!

AKO: (Napangiti) At handa na rin pala akong makilala siya. Si Sticky Guy.

Isa pa ito sa matagal kong pinag-isipan. Gusto ko nang makilala ang 'secret admirer' ko. Gusto ko rin malaman kung bakit after one year, ako pa rin ang gusto niya?

Ano bang meron ako at nag-confess pa rin siya sa akin? At ang pinaka-importanteng tanong ko ay about sa picture na ginamit niya na kuha mula sa journal ko. Paano niya nakuha 'yun?

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon