84: Unang Kilig Show

170K 3.3K 343
                                    


Kumpleto na ang cast para sa aming palabas. Heto ang mga roles namin for today.

KASPER – Leading man (pero 'di niya alam)

ARA – Leading girl (pero 'di niya rin alam)

DEANE – Kontrabida (kunwari)

MINA & ROSE – Supporting role (in short, mga taga-sulsol)

AKO – Confidant (ng leading man)

LAHAT NG ESTUDYANTE – Audience


ACT. 1: Bago magsimula ang klase, nakipagkita sa amin si Deane. Nag-prisinta siyang tulungang bitbitin ang mga gamit namin. Gaya ng nasa plano, tumanggi ako, si Mina at si Rose kaya gamit lang ni Ara ang binitbit niya.

Pagdating namin sa classroom, tamang-tama na nasa pwesto na niya si Kasper. Una niya akong nakita pero agad siyang umiwas ng tingin. Pero napansin niya rin ang pagdikit ni Deane kay Ara at laking pagtataka nito.

DEANE: Grabe, ganito ba kabigat binubuhat mo araw-araw?

ARA: Oo. Pasensya ka na ah.

DEANE: Okay lang.

ARA: Salamat, Deane.

DEANE: Kita na lang tayo ulit mamayang recess. (Saka siya nagpaalam sa amin)

Pag-alis ni Deane, on cue naman sina Mina at Rose sa pasimple ang panunukso at sadyang nilakasan talaga nila para marinig ni Kasper.

MINA: Haba ng hair, Ara babes!

ARA: Huh? Pinagsasabi mo?

ROSE: Pahatid-hatid kunwari. Pabuhat-buhat ng gamit. Dyan nagsimula 'yan eh!

ARA: Hoy, magsitigil nga kayo! Mapagbigay-malisya!

Palihim namana akong napangiti nang mapansin ko ang epekto ng eksena kay Kasper. Yumuko siya at kunwari ay nagtulug-tulugan. Nagtinginan kami nina Mina at Rose dahil sa magandang simula ng aming palabas.


ACT. 2: First recess. Pina-intense pa namin ang karakter ni Deane sa palabas. Kunwari, mayroon siyang music na gustong ipakinig sa amin. As usual, tumanggi ako, si Mina at Rose na makinig kaya si Ara lang ang nakinig.

Nagtabi silang dalawa, gumamit ng iisang headset and boom! Nakita ulit ni Kasper ang eksena. Halata ang padabog niyang lakad palayo sa amin.


ACT. 3: Lunch break. Kapag hindi pa tumalab ang pagpormang gagawin ni Deane kay Ara, ewan ko na lang talaga!

DEANE: Anong gusto mong kainin? Sagot ko na!

ARA: Ha? Bakit?

DEANE: Kailangan bang may dahilan para ilibre ka? Kayo ba? (Tanong niya sa amin)

MINA & ROSE: We're good! (May obvious na mapang-asar na ngiti. Kunwari ay kinikilig)

AKO: (Nakigaya na rin sa ginagawa nila) May baon ako.

DEANE: Okay! Tara na, Ara! (Inabot ang kamay ni Ara at sadya pa talagang dumaan sa harap ni Kasper)

This time, hindi na talaga maipinta ang mukha ni Kasper nang makita niyang magkaholding-hands sina Deane at Ara. Hindi na nga ito kumain at nag-walkout na lang bigla.

MINA: Oh my gosh! Ang galing ni Deane umarte! Kung hindi ko pa alam 'to, iisipin kong pinopormahan na niya talaga si Ara!

ROSE: Pero the best 'yung reaction ni Kasper! Hahaha! Stacey, anong masasabi mo?

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon