59: 7B's

178K 3.6K 649
                                    


I'm back! Namiss kita, journal! Huhuhu, seryoso! Halos one week din akong hindi nakapagsulat dito dahil nasubsob ako sa pagre-review. Pero sa wakas, nairaos ko din ang First Quarterly Exams!

Good news: Kampante ako sa mga scores ko sa test. At dahil dyan, pwedeng-pwede na akong pumetiks! At parang feel ko rin mag-celebrate ngayon. Ayain ko kaya si Deane na mag-potato chips and Jungle juice party kami?





CONTINUATION...

Nag-pass si Deane sa potato chips at Jungle juice party. Sinisikmura raw siya eh. Pero inaya niya ako sa ibang bagay. Tumambay daw kami after school. Ang sabi ko naman, basta hindi kami gagabihin, ayos lang sa akin.

So noong uwian na, isinama niya ako sa lugar na palagi ko lang natatanaw mula sa mga bintana ng room namin pero ni minsan ay hindi ko pa napupuntahan—'yung kalapit na burol sa likod ng school namin.

Pagdating doon, naupo kami sa may damuhan, sound trip ng kaunti, at ako lang ang mag-isang kumakain ng potato chips.

DEANE: Yecats...

AKO: Hmmm?

DEANE: Nagka-boyfriend ka na ba?

AKO: (Nabulunan) Hindi pa.

DEANE: Manliligaw?

AKO: Wala rin.

DEANE: Ibig sabihin, hindi ka pa nagkaka-lovelife kahit minsan?

AKO: Lovelife? Ano 'yun?

DEANE: Seryoso kasi!

AKO: Wala akong panahon para doon. (Kain ulit)

DEANE: (Napaubo) Ba—bakit naman?

AKO: Basta. (Kain pa more) Ayoko lang.

DEANE: Bakit ayaw mo?

AKO: Hindi pa sa ngayon.

DEANE: Eh kailan?

AKO: Matagal na matagal pa! At tsaka 7B's.

DEANE: Anong 7B's?

AKO: Books before boys because boys bring babies!

DEANE: (Sandaling natigilan. Biglang humagalpak kakatawa)

AKO: Sige pagtawanan mo. Papa ko nagturo sa akin 'nun.

DEANE: Sorry na. Pero aral muna talaga bago boyfriend?

AKO: Oo.

DEANE: Okay. Fair enough. (Mayamaya, biglang bumulong) 7B's. Hehe.

AKO: (Hinampas ko siya sa braso)

DEANE: Aray!

AKO: Narinig kita!

DEANE: Wala na nga akong sinabi.

Anyway, pinanood lang namin sandali ang sunset at pagkatapos 'nun ay umuwi na rin kami. Mukhang hindi yata ako natunawan dahil sa mabilisan kong pag-ubos ng potato chips kanina.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon