105: Questions & Answers

132K 2.3K 116
                                    


QUESTION #1: Paano nakilala ni Deane si Sticky Guy?

Noong araw na iniwan ng taong ito ang isang sulat sa desk ko, nahuli raw siya ni Deane pero wala lang itong sinabi. Nang mangyari naman ang 'Sticky Notes Confession' napansin niya ang pagkakahawig ng handwriting nito kaya naisip niya agad na iisang tao lang ang secret admirer ko na iyon.


QUESTION # 2: Alam na rin ba ni Sticky Guy na kilala siya ni Deane?

Oo. Noong araw na maganap ang 'Sticky Notes Confession', agad daw siyang kinausap ni Deane. Tumanggi pa ito noong una, pero 'di nagtagal ay umamin din. Nag-usap sila—usapang lalaki—kaya hindi pwedeng siya ang magsabi kung sino talaga iyon.


QUESTION #3: Kailan siya magpapakilala?

Hindi rin sigurado si Deane ngunit siguradong may inihahanda na rin ito. Maghintay na lang daw ako. Malapit na.


QUESTION #4: Handa na nga ba akong makilala si Sticky Guy?

Um... oo.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon