164: School Retreat - Last Day

162K 2.5K 426
                                    


1. Sign of Peace

Maagang nagsama-sama ang lahat sa chapel para simulan ang Sunday mass. By section ang ginawang seating arrangement ng mga teachers kaya nahiwalay sa amin si Deane.

Nang magsimula na ang mass, tahimik na nakinig ang lahat sa sermon ng pari. Pero noong dumating na kami sa part na offering of the 'Sign of Peace', labis na ikinagulat ng lahat ang eksenang ginawa ni Amanda. Nauna kasi siyang lumapit sa akin para sabihan ako ng, "Peace be with you, Stacey." At sinagot ko naman ng, "And also with your spirit, Amanda." Saka kami nagkamay at nagngitian sa isa't isa.

Sa katunayan nga, hindi lang ako ang nilapitan ni Amanda kundi pati na rin si Deane, ang buong grupo namin, at lahat ng mga nakasamaan niya ng loob noon. Ang gandang panimula talaga nito ng umaga.

At after ng misa, saka ko pa lang din nakwento sa buong barkada ang nangyaring pagbabati namin ni Amanda kagabi. Tuwang-tuwa sila na sa wakas, maayos na talaga ang lahat.


2. Ensaymada

Tanghalian na. Ang bilin sa amin, pagkatapos raw kumain ay mag-relax na bago ang mahabang byahe pauwi. Kaso, hindi uso 'yun sa mga kasama ko. Ang hyper nila, todo selfie and group pic at napaka-ingay talaga. Tahimik na nga lang ako sa isang tabi at binuksan na ang huling balot ng potato chips na mayroon ako. 'Yun nga lang...

DEANE: Pahinge! (Sabay dakot sa potato chips ko at napuno ang buong kamay niya) Salamat!

AKO: Anong salamat? Alam mong bawal sa'yo 'yan.

DEANE: (Ngumiting parang timang) Naks! Nag-aalala ka na naman para sa akin. Hehe!

AKO: (Tinignan ko lang siya ng masama)

DEANE: (Pa-inosente naman ang mukha) Yecats, magaling na ako. Pwede na sa akin 'to.

AKO: Gusto mo bang bumalik ang sakit mo?

DEANE: Ayaw.

AKO: Pwes, bawasan mo 'yan.

DEANE: Ayaw ko rin.

AKO: (Mas sinamaan ko pa ang tingin sa kanya)

DEANE: (Hindi man lang natinag at nakuha pa akong kindatan)

MINA: Kailan kaya magiging kayo?

DEANE: Si Yecats kasi, ayaw pa.

AKO: Che! Magtigil ka nga.

ROSE: Hindi ba kayo naiinggit doon sa dalawa? (Tinuro sina Kasper at Ara)

KASPER & ARA: (Sobrang sweet habang nagsusubuan ng ensaymada)

DEANE: Naiinggit ako. (Biglang sumimangot)

MINA: Huy! (Kinuha ang atensyon nina Kasper at Ara) Nilalanggam na kayong dalawa dyan! Iniingit niyo pa 'yung isa.

ARA: Kasalanan pa namin?

KASPER: Gaya na lang din sila.

ROSE: Share your blessings na nga lang! Ilang ensaymada ba baon niyo?

ARA: Heto, may natira pang dalawang balot.

MINA: Tamang-tama. Hati kami ni Rose sa isa.

ROSE: Deane, sa inyong dalawa ni Stacey itong isa.

KASPER: Oh ayan na pards, pwede na rin kayong magsubuan.

DEANE: (Biglang kumislap ang mga mata) Yecats-

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon