76: Abnormal

156K 3.2K 210
                                    


Hindi ako nakatulog ng maayos gawa ng pag-iisip ko tungkol sa huling usapan namin ni Deane kahapon. Abnormal nga yata talaga ako dahil wala akong crush. Pero tulad ng sinabi niya, paghanga lang naman ang crush.

So para hindi na ako maging abnormal at lumuwag ang kalooban ko, ililista ko ngayon ang mga qualities na crush o hinahangaan ko sa mga taong ka-close ko ngayon.


Kay Kasper:

1. Matapat siya.

2. Mabuting kaibigan.

3. Nanlilibre ng potato chips.

4. Palagi niya akong napapatawa.


Kay Deane:

1. Mabuting kaibigan.

2. Nanlilibre rin ng potato chips.

3. At tsaka ng Jungle juice.

4. Maalalahanin.

5. Maganda ang mukha para sa isang lalaki.

6. Matalino.

7. Mabait sa lahat.

8. Napapangiti niya rin ako.


Tingin ko 'yan na lahat 'yun. Mas marami pala akong crush na qualities kay Deane. Siguro dhil mas matagal na kaming magkasama. Anyway, nakagaan nga sa loob ko ang list na ito. At least masasabi ko nang normal na teenager na ako!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon