73: Tomboy

155K 3.1K 442
                                    


First time lang na may mag-aya sa akin na maglakwatsa kaya kabado rin ako kung papayagan ba ako nina Mama at Papa. Kaya nga noong Thursday night, nag-prisinta akong magluto para sa hapunan. Noong pareho na silang in good mood...

AKO: Inaaya po pala ako ng kaklase ko sa Sabado. Manonood lang po kami ng sine, tapos videoke at food trip lang kasama rin ng mga kaibigan.

MAMA & PAPA: (Parehong nabulunan)

MAMA: May—may mga kaibigan ka na? Ilan sila?

AKO: Dalawa sila. Sina Deane at Kasper.

PAPA: Parehong lalaki!?

AKO: Sila pinaka-close ko. Pero 'yung kaklase kong nag-aya, babae 'yun. Si Ara.

MAMA: Ow! So double date kayo?

AKO: (Nabulunan na rin)

MAMA: Sino ang partner mo 'dun sa dalawa? Si Deane o Kasper?

AKO: Wala sa kanila ang partner ko!

PAPA: Ibig sabihin si Ara? Honey, sabi ko na nga ba! Tomboy nga itong anak natin. 'Wag kang mag-alala, Stacey. Tanggap ka pa rin namin.

AKO: (Facepalm) Papa naman eh! Hindi ako tomboy!

MAMA: Eh sino bang mas pogi doon sa Deane at Kasper?

AKO: Malay ko.

MAMA: Don't tell me, parehong mukhang bayawak?

AKO: (Na-imagine ko bigla 'yung itsura ng bayawak) Pareho silang may itsura.

MAMA: Pero sino nga ang mas pogi?

AKO: (Napakamot ako sa ulo. Paano ko ba matatakasan 'to?) Si Papa lang ang pogi para sa akin.

PAPA: Ay wala na! Tapos na ang usapan! Sige na, pinapayagan na kita, Stacey.

MAMA: Honey!

AKO: Thank you, Papa.

PAPA: Pero sa isang kundisyon. Syempre hindi namin kilala 'yang mga tinatawag mong kaibigan kaya ang gusto ko, isa man lang sa kanila ang magsusundo at hatid sayo pauwi. Para makilala din namin sila!

AKO: (Natigilan bigla) O—okay po...

Pumayag sila pero napasubo naman yata ako. Ibig sabihin, isa sa kanila ang papupuntahin ko dito sa bahay namin! Tapos makikilala pa nila sina Mama at Papa! Mag-backout na lang kaya ako? Sabihin ko na lang, hindi ako pinayagan. Ano ba 'yan!



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon