168: Notes To Yecats

133K 2.5K 639
                                    


Yecats,

Hindi naman bawal magsulat ako rito, 'di ba? Wala namang nakasaad doon sa listahang binigay mo. Thank you for allowing me to have this. I promise you, iingatan ko ito.

- -

Yecats,

Alam kong sinabihan mo akong madalang kang mag-reply. But come on! Kahit isang beses lang, wala talaga?

- -

Yecats,

Second death anniversary nga pala ni Mel ngayon. Nagpadala ako ng bulaklak sa puntod niya. I wish I'm there with you.

- -

Yecats,

Today is my birthday. Nakalimutan mo ba?

- -

Yecats,

Merry Christmas! I know you're busy kaya nakalimutan mo lang sigurong batiin ulit ako.

- -

Yecats,

Happy New Year! May amnesia ka na ba? Sige, baka busy ka lang ulit.

Tulad nga pala ng ginawa mo last new year's eve, itong journal mo lang din ang pinagka-abalahan kong basahin ulit. I miss you. Magparamdam ka naman.

- -

Yecats,

It's Valentines. Nakwento sa akin nina pards na nakatanggap ka raw ng roses mula sa isang classmate mo. Do you have any idea how jealous I am right now? Hindi ka pa sumasagot sa mga messages ko.

- -

Yecats,

Happy Birthday! Kung pwede lang na lumipad na ako papunta dyan, ginawa ko na para makasama ako sa celebration niyo. I hope you're happy.

- -

Yecats,

May nag-tag ng picture sa'yo. Sino 'yung lalaking kasama mo? Was that the guy who gave you roses before?

- -

Yecats,

Do you even miss me? Why won't you answer my messages?

- -

Yecats,

Nasabi sa akin ni pards na nababasa mo naman pala ang mga messages ko. So why are you intentionally ignoring it? Did I do something wrong?

- -

Yecats,

Nagkwento ulit sa akin si pards. Na kaya ka umiiwas mag-online dahil mas lalo mo lang akong namimiss. At dahil doon kaya hindi ka rin makapagconcentrate sa pag-aaral mo. I'm really sorry. I didn't mean to be much of a burden to you. But don't worry, I'll give you space from now on.

- -

Yecats,

Pilit kitang iniintindi pero ang sakit na talaga. Alam kong hindi naman tayo pero wala na ba akong halaga sa'yo?

--

Yecats,

I met someone. She confessed to me and asked me if I want to go out with her. I'm thinking about it.

- -

Yecats,

Today I told her I'm in love with someone else. I told her about you.

- -

Yecats,

Alam mo naman na mahal kita, 'di ba? But if this is what you really want, then I'm letting you go.

- -

Yecats,

I'm sorry. I'm sorry for thinking that I don't matter to you anymore. Hayaan mo, pag-uwi ko, unang-una kong bubugbugin si pards for giving you a wrong address. Nakakapanghinayang lang na hindi ko natanggap 'yung mga sulat, christmas cards at birthday present na pinapadala mo sa akin. Akala ko talaga, nakalimutan mo na ako.

But it's a relief that we've settled everything now. And about what I wrote last time, please forget it because there's no way I'm giving up on you.

- -

Yecats,

Nagpapasalamat talaga ako na binilhan ka na ng bagong phone ng papa mo. Ngayon, ikaw na ang nagkukusang i-video call ako. Now I get the chance to hear your voice and see your sweet smile again.

Mapapatawad ko na rin ang katamaran mo sa hindi pa rin pagri-reply sa mga messages ko.

- -

Yecats,

You looked prettier as ever on our video chat today. Kaya hindi talaga ako naniniwala kapag sinasabi mong walang umaaligid o nagpaparamdam sa'yo na manliligaw. I couldn't be the only one turning into a helpless puppy everytime I see you. Lalo akong napapaisip na gusto ko na talagang bumalik.

- -

Yecats,

Pareho na tayong sobrang busy sa school pero kaunting tiis na lang naman. Makaka-graduate rin tayo.

- -

Yecats,

Congratulations on your graduation. Matutupad na talaga ang dream mong maging fashion designer gaya ng mama mo. As for me, I've got one more year to prepare for the licensure exam to become a Professional Engineer. You're all the good luck I need.

- -

Yecats,

It's been a long time. We've waited for five long years and now I'm really coming home. See you soon.

- -

Yecats,

Before I give this back to you, let me just tell you that my feelings haven't change a bit. And just to make things clear, manliligaw na ako.

- -

Yecats,

You said you wanted to see me again. So what the hell are you doing in Japan now? And why is that guy with you again? Palagi na lang ba tayong ganito? Paasahin mo ako na okay lang ang lahat tapos hindi naman pala. Ako lang ba talaga ang umaasa na magkakaroon ng tayo? Hanggang kailan ba kita hihintayin?




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon