83: Count Me In

165K 3K 212
                                    


Maaga akong pumasok para sa plano namin nina Mina at Rose. Kailangan magkabati muna kami ni Kasper bago namin magawa ang binabalak namin para sa kanila ni Ara.

Pagdating ko sa school, ini-expect kong ako pa lang mag-isa. Nagulat ako na may mas maaga pa pala kaysa sa akin. Nakita ko si Deane sa usual tambayan spot namin at naka-indian seat ito sa isang upuan na walang sandalan.

Hindi niya pa alam na nandito na ako kaya nagdahan-dahan akong lumapit sa kanya para gulatin siya kaso...

AKO: Deane!

DEANE: (Nabalentong sa kinauupuan niya)

AKO: Hala!

Nagasgasan sa pisngi at palad si Deane. Nag-panic ako lalo pa't hindi pa dumarating ang school doctor. Pinilit ko na nga lang 'yung guard na pabuksan ang infirmary para makahingi ng bulak, alcohol at band-aid.

Nang mabalikan ko na si Deane...

AKO: (Naluluha at hindi makatingin sa kanya ng direcho)

DEANE: Oy! (Sinilip ang mukha ko) Bakit naiiyak ka, hindi naman ikaw ang nasugatan?

AKO: Kasalanan ko... sorry...

DEANE: (Natawa) Dahil dito, may utang ka sa akin.

AKO: Magkano?

DEANE: Hindi pera.

AKO: Eh ano?

DEANE: Pag-iisipan ko pa. (Saka niya unang inilapit sa akin ang sugat sa palad) Pakigamot na, Nurse Yecats.

Tahimik ko nang ginamot ang gasgas niya sa palad. Pagkatapos, 'yung sa pisngi niya naman ang sinunod kong gamutin. Mas lalo akong na-guilty. Kasi ba naman, nakangiti pa siya kahit uma-aray na!

AKO: Bakit ka nga pala um-absent kahapon?

DEANE: Namiss mo ako?

AKO: (Tumango)

DEANE: (Natulala) Se—seryoso?

AKO: Syempre!

DEANE: (Biglang napaubo) Nasa ospital ako kahapon.

AKO: Ano? (Nadiinan ko bigla ang sugat niya)

DEANE: Aray!

AKO: Ay sorry! (Sabay ihip sa sugat niya) Bakit nasa ospital ka? Deane, may sakit ka?

Biglang naging seryoso ang mukha ni Deane. Lalo akong kinabahan lalo pa at inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

DEANE: Naalala mo 'yung palaging pagsakit ng tyan ko? Dahil pala sa kakain ko ng potato chips.

AKO: (Napatingin ako ng masama sa kanya) Niloloko mo yata ako eh!

DEANE: Hindi! Seryoso talaga 'to! Naalala mo 'yung palaging pagsakit ng tyan ko? Gallbladder problem pala dahil sa excess sodium intake ko. Hindi pa naman masyadong malala sabi ng doktor pero kailangan kong uminom ng maraming tubig at bawasan naman ang maaalat na pagkain.

AKO: Ibig sabihin...

DEANE: Tigil na muna ng pansamantala ang pagkain ko ng potato chips.

Napa-'aww' ako. Sobrang seryoso nga talaga nito! Nakakaawa siya dahil hindi na niya ma-eenjoy ang pagkain ng potato chips! Siya naman kasi, bihira ko lang nga talaga makitang uminom ng tubig!

DEANE: Siya nga pala, ano namang nangyari kahapon noong wala ako?

AKO: (Napayuko ako) Iniiwasan ako ni Kasper kahapon.

DEANE: Ano? Loko 'yun ah! Iniwan kang mag-isa?

AKO: Hindi! Hindi naman ako mag-isa. Nakasama ko si Ara at mga kaibigan niyang sina Mina at Rose.

DEANE: Naging mabait ba sila sa 'yo?

AKO: (Tumango) Friends ko na sila.

DEANE: Tsk! Nawala lang ako ng isang araw, may bagong friends ka na ulit! Pero teka, bakit ka iniwasan noong kumag na multo?

Huminga ako ng malalim. Medyo kinakabahan sa magiging reaksyon niya.

AKO: May lumabas na picture namin online at ang iniisip ngayon ng lahat, nag-kiss kami ni Kasper.

DEANE: Ano? Ipinagkalat ni Amanda?

AKO: (Natigilan ako bigla) Sina Eliseo ang nag-share ng picture... pero paano mo nasabing si Amanda ang nagkalat?

DEANE: (Huminga ng malalim) Noong Tuesday bago mag-uwian, ipinakita niya sa akin ang picture niyong dalawa.

AKO: Tuesday mo pa nalaman? At wala ka man lang sinabi?

DEANE: Hindi ko alam ang gagawin ko. Nainis ako 'nun eh!

AKO: Wait... so 'yun din ba ang dahilan kung bakit nagkatampuhan kayo ni Kasper last week? Kasi akala mo nag-kiss kami?

DEANE: (Nahiya pa siyang tumango bilang sagot, pero tumingin siya sa akin ng direcho) Tinanong ko noon si Kasper kung anong tingin niya sa 'yo. Ang sabi niya, magkaibigan lang kayo kaya naguluhan talaga ako noong nakita ko 'yung picture. Nainis ako kasi akala ko ginagago ka niya. At naisip ko na baka kapag nalaman mo ang tungkol doon, lumayo ka na naman sa amin.

AKO: Pero nasabi naman na sa 'yo ni Kasper na hindi naman talaga kami nag-kiss, 'di ba?

DEANE: Oo. 'Yun nga ang pinag-usapan namin noong Friday. Na napuwing ka at hinipan niya lang ang mata mo.

Pareho kaming natahimik sandali. Parang pang-drama sa TV ang mga pangyayari ngayon.

AKO: Ang tindi talaga ng galit sa akin ng ex-girlfriend mo.

DEANE: Kakausapin ko siya.

AKO: 'Wag. Ako ang dapat kumausap sa kanya. Pero bago 'yun, dapat magbati muna kami ni Kasper para maligawan na niya si Ara.

DEANE: At kailan ka pa naging tulay para doon sa dalawa?

AKO: Sinabi sa akin nina Mina at Rose na may gusto rin pala si Ara kay Kasper. Plano nila na kapag nagkaaminan na ang dalawa, e 'di mapapatunayan din na walang katotohan 'yung picture na nag-kiss kami!

DEANE: Ayos 'yan ah! (Napangiti ng malaki) Count me in!

AKO: Tutulungan mo kami?

DEANE: Oo naman! Para sa 'yo. At syempre para kina pards at Ara!

Officially, kasama na rin sa plano si Deane. Bago nga magsimula ang klase, naipakilala ko na rin siya kina Mina at Rose para bigyan siya ng magiging papel niya. At ready na sana kami para sa plano. Kaso nabulilyaso pa.

Si Kasper naman ang nag-absent ngayong araw so wala tuloy kaming choice kundi ipagpabukas na lamang ito.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon