21: Election Week

222K 4K 299
                                    


Second week of July ay election week para sa Student Council. Dalawa sa klase namin ang kakandidato. Si Amanda Joy Dioso bilang 3rd Year Representative at si Deane bilang Vice-President. Sinabihan kami ng adviser na kailangan tumulong ang buong section para mangampanya.

Sa totoo lang, alam kong sure win naman na silang dalawa. Subok na si Amanda sa pangangampanya since siya ang 1st and 2nd Year Representative namin noon. Si Deane naman, sa dami ba naman ng sumusporta sa kanya, wala nang gustong kumalaban sa pwesto niya.

Nasabi ko na rin ba na couple silang dalawa? Kamakailan lang noong napabalitang naging sila. Last year pa raw pala nililigawan ni Deane si Amanda pero ngayon lang sinagot. Ayun. Usapang lovelife so... I'm out!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon