117: Celebration

132K 2.2K 184
                                    


Iba ang glow ni Ate Jean ngayong birthday niya. Bukod sa amin, kasama pa ang mga college barkada niya at isa-isa niya kaming pinakilala sa kanila. Parang sumabog nga nang magsama ang grupo nila at grupo namin.

Nakilala ko na nga rin si Kuya Terence, ang bokalista ng Ymagesa na idol ni Deane. Birthday song pa lang ang kinanta niya pero napa-wow na kaming lahat.

Nakatulong ang ingay para pansamantalang makalimutan ko ang hidden issue ko kay Deane dahil hanggang ngayon ay 'di pa rin niya sinasabi ang tungkol sa pag-alis niya.

Balak ko na mag-enjoy na lang sana sa celebration na ito, kaso nagulantang ako nang may dumating na impakta! Parang kabuteng sumulpot si Amanda kasama ang parents niya. Nagulat nga kami nina Kasper, Ara, Mina at Rose.

Ninong at ninang pala ni Ate Jean sina Mr. & Mrs. Dioso! Close friends kasi ang pamilya nila. So ibig sabihin, hindi lang noong high school nagkakilala sina Deane at Amanda. Magkababata pa pala sila! Childhood sweethearts? At hindi na naman naikwento ni Deane!

Nang magsimula ang kainan, pumwesto kaming lahat sa isang mahabang lamesa. Medyo wala na ako sa mood noon pero hindi ko na lang pinahalata. Doon, 'di ko inaasahan na mao-open na rin sa wakas ang tungkol sa Canada.

MR. DIOSO: Tuloy na ba talaga kayo ni Deane sa pagsunod niyo sa parents niyo sa Canada?

ATE JEAN: Yes, ninong. Tuluy na tuloy na after ng graduation ni Deane.

Halos mabilaukan si Deane, ganun din ang pagkagulat ng mga kaibigan ko.

ARA: Magka-Canada ka na, Deane?

KASPER: Iiwan mo na kami, pards! Hindi ka man lang nagsasabi?

DEANE: (Kinabahan) Mag-aaral lang ako dun.

MRS. DIOSO: Saang university ka ba nag-apply? Ito kasing si Amanda, pinipilit niya kami na gusto na rin niyang mag-aral doon.

AMANDA: Mommy naman!

MRS. DIOSO: What? If you're with Deane and his family, hindi kami mag-aalala ng Daddy mo.

Mahaba pa ang naging usapan nila at wala na akong balak alalahanin pa. Sayang lang sa tinta nitong ballpen ko. Kung tutuloy sa Canada si Deane at susundan si Amanda, ano naman bang magagawa ko? Bahala nga sila! Bahala na!

Alas singko nagsimula na kaming magligpit para hindi maabutan ng paglubog ng araw. Nautusan ako na kumuha ng garbage bag na nasa sasakyang dinala nina Ate Jean para pagtapunan ng kalat at pinagkainan namin.

Palapit pa lang ako sa sasakyan, naabutan kong magkasama naman sina Deane at Amanda. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Mukhang seryoso pero nakangiting kilig na kilig si Amanda. Mayamaya pa, pinahiram siya ng jacket ni Deane dahil mukhang nilalamig na ito. Lakas kasi ng loob mag-sleveless sa ganitong panahon!

Hay! Ang dapat sana'y masayang birthday celebration ni Ate Jean, naging imbyerna day para sa akin. Gusto ko nang umuwi!

TO BE CONTINUED...



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon