165: Graduation

119K 2K 136
                                    


Sa lahat ng mga nakaranas na ng graduation, tingin ko ay maiintindihan nila kung sasabihin ko na ang araw na ito ay ang pinakamasaya... at malungkot ding punto sa buhay ng isang estudyante.

Masaya dahil ang sarap magmarcha at makaakyat sa stage upang tumanggap ng diploma. We also made our parents proud. Lahat ng paghihirap nila sa pagpapaaral sa amin ay nasuklian na.

Ang nakakalungkot naman, kailangan na naming magpaalam sa mga teachers, classmates at sa lahat ng mga nakasanayan naming gawin sa school na ito sa loob ng ilang taon. Nakakaiyak dahil alam naming mamimiss namin itong lahat.

Ngunit gaya naman ng sinabi ni Deane sa kanyang Valedictory Speech kanina, "This end is just the beginning." High school life lang ang magtatapos. Ang buhay namin ay magpapatuloy pa.


CONTINUATION...

Nakarating nga rin pala sina Mr. & Mrs. Carrasco para kumpleto raw ang buong pamilya nila na makapag-celebrate sa okasyong ito. Ginamit itong pagkakataon ni Deane upang ipakilala ako at buong barkada. Pati mga parents namin ay nagkakila-kilala rin.

Sa 'di inaasahang takbo ng mga kaganapan, bigla na lamang silang nagpasya na gawin na lang daw naming isang malaking joint celebration ang pagtatapos namin.


CONTINUATION ULIT...

Nagpaalam din si Deane na kung pwede raw lumabas kami ng buong barkada bukas. Huling bonding na kasi iyon bago sila umalis papuntang Canada sa makalawa. Buti na lang, pumayag lahat ng parents bilang graduation gift na rin para sa amin.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon