32: Santa Mel

204K 3.9K 568
                                    


Akala ko, lilipas ang linggong ito na tahimik pero nalaman pa rin ni Mel ang nangyari. Nagalit siya saakin dahil bakit hindi ko raw agad isinumbong sa kanya. At dahil alam niyang hindi ko pa rin magagawang magkwento, binasa na lang niya ang entries 28, 29 & 30 dito sa journal ko. Mas lalo siyang nagalit kina Amanda.

Lunchbreak namin. Nagulat ako nang biglang kunin ni Mel 'yung malaking garbage bag na puno na ng basura. Sa sobrang kabog ng dibdib ko sa posible niyang gawin, lalo akong hindi nakapagsalita.

MEL: Steady-pulse ka lang dyan, Stacey! Mag-aala Santa Mel lang 'tong bestfriend mo. Reresbakan ko lang 'yung mga nang-api sa 'yo.

Bitbit ang garbage bag, nagpunta si Mel sa table kung saan nakapwesto sina Amanda at mga kabarkada nito. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakatayo na si Mel sa likuran nila kanila at...

MEL: Excuse me! Makikitapon lang!!!

Ibinuhos niya lahat ng basura sa table at kinakainan nina Amanda. Hindi pa nakuntento si Mel, kinuha niya 'yung softdrinks na nasa lamesa at isinaboy sa kanila. Pinalibutan na kami ng ilang nakiki-usyosong estudyante pero walang makalapit.

AMANDA: Ano bang problema mo!?

MEL: Ay sorry! Akala ko kasi basurahan! Umaalingasaw mga pag-uugali niyo eh!

May isang tumulak kay Mel ng sobrang lakas kaya napaupo siya sa sahig. Pero sa pagbangon niya, kinwelyuhan niya 'yung tumulak sa kanya. Pipigilan sana siya ng iba pa pero isang masamang tingin lang mula kay Mel, napaatras na ang mga ito.

MEL: Ano? Matapang kayo dahil marami kayo? Akala niyo siguro hindi ko malalaman mga pinaggagawa niyo habang absent ako? Nakalimutan niyo yata na binully niyo ang bestfriend ng pinaka warfreak sa batch natin!

Isa 'yun sa mga kilalang nickname ni Mel: 'Pinaka Warfreak' ng batch namin. Kaya maraming gustong maging kaibigan siya at marami ring takot makaaway siya. Dati, hindi ako naniniwala dahil nakilala ko siyang makulit at madaldal lang. Pero ngayong nakita ko na ng personal kung paano siya magalit, naniniwala na talaga ako.

May isa nang tumakbo para magtawag ng guard or teacher na pwedeng umawat. Pero hindi naman iyon pinansin ni Mel at nagpatuloy lang. May kinuha pa siya sa bulsa niya at naglabas ng gunting.

MEL: Sino sa inyo ang gumupit sa buhok ni Stacey? (Pero dahil walang sumagot, kaya buhok ni Amanda ang hinila niya) E 'di ikaw na lang ang gagantihan ko! Tutal ikaw naman ang may pakana nito!

AMANDA: No! Please stop!!!

MEL: No please stop mo mukha mo!

Nakakatakot si Mel. Pero mas natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nagpatuloy pa ito. Bago niya tuluyang magupit ang iniingatang magandang buhok ni Amanda, may pumigil na sa kanya—si Deane.

DEANE: Don't do this.

MEL: (Tumingin siya ng masama kay Deane) Sabi mo gusto mong maging kaibigan si Stacey? Bakit hinayaan mong apihin lang siya nitong ex mo.

AKO: Ipinagtanggol na niya ako. (Sumingit na ako. Nagulat nga sila nang magsalita ako) Tama na Mel.

Sa wakas, kumalma na rin si Mel at binitawan na niya ang mahigpit na pagkakahawak sa buhok ni Amanda. Ngunit dahil sa kaguluhan, mismong Principal na ang lumapit saamin.

PRINCIPAL: In my office! Now!

Kusang naglakad si Mel palapit sa Principal... pero laking gulat namin nang mapatigil siya sa kalagitnaan at biglang himatayin. Sabay kami ni Deane na sumalo sa kanya bago siya tuluyang bumagsak.

At una siyang dinala sa infirmary pero mayamaya'y nagtawag ang school doctor namin ng ambulansya para maidirecho siya sa ospital. Anong nangyari kay Mel? Hindi maganda ang kutob ko.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon