79: BFQ?

142K 2.7K 112
                                    


BFQ. Boy Friends Quarrel. 'Yan yata ang tawag sa nangyayari ngayon kina Deane at Kasper. At seryoso 'to. Promise. Noong Monday at tsaka kahapon, okay naman sila. Ngayon Wednesday, kataka-takang hindi sila nag-iimikan. Wala na 'yung usual nilang bangayan na lambingan. Matagal ko silang kasama kaya alam kong may something off.

Una ko nang sinubukang tanungin si Deane kung anong meron pero tinawanan niya lang ito at sabi niya wala naman daw problema. Nang tanungin ko naman si Kasper, tinawanan lang din niya ito pero ang sabi niya, si Deane na lang daw ang tanungin ko.

Eh ano ba talaga? Ang gulo nilang dalawa! Pinagpapasahan nila ako. At nag-aalala ako. Ano kayang problema nila?




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon