126: Dalaw

122K 2K 124
                                    


Ilang araw na rin simula nang ma-suspend ako. Ilang araw nang wala rin akong maisulat dito sa journal ko. Para nga 'di mapag-iwanan sa school, pag-aaral na lang ang inatupag ko.


CONTINUATION...

Biglang dumalaw si Deane. Naka-school uniform pa siya, halatang kagagaling lang niya sa school. Nag-usap kami sa may harap lang ng bahay namin.

AKO: Anong ginagawa mo rito?

DEANE: Dinadalaw kita.

AKO: (No comment)

DEANE: Nag-aalala ako... kami sa 'yo. Hindi ka nag-rereply sa mga texts namin. Hindi ka rin nago-online.

AKO: Grounded ako.

DEANE: Ga—ganun ba?

AKO: Nakadalaw ka na ba ulit kay Amanda?

DEANE: Hindi pa pero balita ko makakapasok na siya sa Monday.

AKO: Siya ang dapat mong dinadalaw at hindi ako. Okay lang naman ako eh. (Saka ko siya tinalikuran) Papasok na ako. Mauna ka na rin.

Pumasok na ako sa loob pero limitado rin ang naging kilos ko. Para bang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Nang sumilip ako sa bintana, nakatayo pa rin si Deane sa harap ng gate namin.

Nakukunsensya ako. Gusto ko siyang balikan at humingi ng tawad sa inasal ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagdasal na lang ako na sana umalis na siya agad.

After almost ten minutes, nawalan na rin siya ng pag-asa at tuluyan na ngang umalis.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon