58: Death Anniversary

169K 3.5K 173
                                    


Patungo na kami ngayon sa puntod ni Mel. First death anniversary niya ngayon kaya nga naisip ko na kung makikita niyang hindi lang ako mag-isa ngayon, mas matutuwa siya.

Siya nga pala, iba ang aura nina Deane at Kasper ngayon. Pareho silang tahimik at seryoso. May dalang isang bouquet ng white lilies si Deane samantalang white roses naman ang dala ni Kasper. Napangiti ako dahil parehong maganda ang dala nila.

Pagdating namin sa harap ng puntod ni Mel, ibinaba na namin ang mga dala namin bulaklak (chrysanthemums na nasa paso ang dala ko) at saka nagsindi ng kandila para mag-alay ng dasal.



Mel,

Kumusta ka na, best friend? Masaya ka ba dyan sa langit? Hindi ka naman siguro masyadong nambubulabog dyan. Magdahan-dahan ka lang minsan sa kadaldalan mo para hindi ka nila palayasin. Pero kung sakaling mapalayas ka nga, dalawin mo ako. Hindi ako takot sa multo kaya okay lang na magparamdam ka kahit minsan.

Namimiss pa rin kita hanggang ngayon, Mel. Pero kapag nalulungkot ako, nagba-backread lang ako sa mga sinulat ko rito sa journal noong times na ginugulo mo ako at nawawala na ang lungkot ko. Medyo nai-stress pa nga lang ulit ako. Joke!

Siya nga pala, isinama ko sina Deane at 'yung crush mong si Kasper. Close na kami ni Deane. Siya na ang kasama ko ngayong palagi tuwing recess. Friends na kami pati sa FB. Si Kasper naman, tinalo ko siya sa badminton at nilibre niya ako ng potato chips. Naiimagine ko tuloy 'yung mukha mo kapag kinikilig ka. Mabait nga si Kasper, no wonder kung bakit naging crush mo siya. At noong malaman nga niya ang tungkol sayo, hindi talaga siya nagdalawang-isip na sumama ngayon. Ayiiiieh! (Gayahin ko lang)

Nakakangiti na ako ngayon dahil nararamdaman ko na ulit ang pakiramdam na magkaroon ng kaibigan. Hindi ako nagsisisi na sinunod ko ang payo mo. Kaya nga Mel, ikaw na sanang bahalang magsabi kay Lord na sana magtuluy-tuloy na 'to. I love you, hanggang libing! Tandaan mo 'yan.

PS. Malapit na ang exams. Wish me luck!



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon