11: Chismosa

287K 4.8K 323
                                    

Hindi ko pala natapos yung entry ko kahapon. Dyahe naman kasi! 'Yung katabi ko, sinisilip 'yung sinusulat ko! Chismosa lang! Ang pangalan niya ay Melanie Abriano. At maalala ko lang, siya din 'yung babaeng nakasabay ko noong enrollment! 'Yung panay ang tingin saakin! Pero tingin ko, hindi naman siya tibo. Medyo malandi pa nga eh. Sobrang daldal pa.

Pero kanina ulit, noong makita niyang inilabas ko 'tong journal ko, tinanong niya kung ano raw ba sinusulat ko rito. Kung diary ko raw ba 'to? Chismosa talaga! Gusto ko sanang sagutin na Death Note 'to at naisulat ko na ang pangalan niya.

Tuloy, dito na lang ako sa cafeteria. Ang haba pa ng pila. Baka maubusan na ako ng potato chips!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon