118: Walang Makakapigil

140K 2.6K 309
                                    


CONTINUATION...

Tahimik na lang ako sa isang tabi dahil hindi pa kami makauwi. Katabi kong naghihintay ang isa pang friend ni Ate Jean na nakalimutan ko na agad ang pangalan. Ang haba kasi, hirap kabisaduhin! Pero parang tunog sasakyan ang name niya. Hindi ko lang sigurado.

Hindi siya mapakali habang hawak ang phone niya. Naririnig ko na nga rin siyang nagmumura kada text na nare-receive niya. Ang scary niyang babae. Magka-barkada nga sila si Ate Jean!

Lalayuan ko na sana siya kaso, bigla niya akong pinigilan. "Oy! Crush ni Den-den!"

Napalingon ako sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko sa tinawag niya sa akin.

"Hihi, joke lang! Stacey, right? May load ka ba? Baka pwedeng pasahan mo naman ang Ate Zed mo? May boss kasi akong text ng text sa akin! Rereplyan ko lang."

Ate Zed? Parang hindi naman 'yun ang pakilala ni Ate Jean sa kanya kanina. 'Di bale na nga! Pero hindi ba nagta-trabaho siya? Talagang bang sa isang high school student na kagaya ko siya nanghihingi ng load? Medyo kaps ang muks! Pero hindi rin naman ako nakatanggi. Pinasaahan ko na lang siya ng 15 pesos. Kawawa eh. Matapos 'nun...

"Ayan! Na-receive ko na! Salamat!" Saka siya umakbay sa akin. "At dahil dyan, binibigay ko na ang basbas ko para sa inyo ni Den-den!"

Hindi ulit ako nakaimik. Pinagsasabi niya? Gusto ko nang bawiin 'yung pinasa kong load. Pero bigla na rin naman siyang tinawag ni Ate Jean, "Hoy Merzedez Chevy Iluminada Lorena! Ano 'yan! Nambuburaot ka na naman ng load sa mga bata!"

"Ako ang 'Pahingi load' girl. Kung gusto mo ng libreng load, magpapasa ka rin!"

"Hayop ka, Zed! Yecats, lumayo ka sa babaeng 'yan!"

"Manahimik ka! Walang makakapigil sa akin!"

Hinabol na ng sabunot ni Ate Jean si Ate Zed. Sigawan naman 'yung iba pa nilang kabarkada ng, "Tama na 'yan!" Hay, nakakaloka sila! Pauwi na nga't lahat, ang gulu-gulo pa! Dinaig pa nila kami dahil parang mas isip-bata sila kaysa sa amin.

Ngunit habang pinapanood ang riot nila, medyo natawa rin naman ako. Hindi nga lang iyon nagtagal dahil isang nagbabalat-kayong tupa ang lumapit sa akin. Tinabihan ako ni Amanda na kunwaring nakikitawa kina Ate Jean pero may pasimple namang ibinubulong sa akin.

"Nakukuha mo pang ngumiti? Hindi ka ba nababahala na ang daming hindi sinasabi ni Deane sa 'yo. First, his birthday. Then 'yung plan niya tungkol sa Canada. And now, 'yung pagiging magkababata namin."

Pasimpleng umirap naman din ako. Ayoko na sanang mas masira pa ang araw ko kaso noong pilitin ko namang umalis, kumapit siya sa braso ko.

"You can never replace me, Stacey. What you have now is nothing compared to what we had. Kaya tandaan mo 'yan. Mababawi ko rin si Deane."

Natawa ulit ako dahil na sa pure inis. Kung magsalita siya, akala mo may ninakaw ako sa kanya! Hindi na ako nakapagtimpi pa at sinagot ko na rin siya, "Pake ko ba sa mga binabalak mo. Gawin mo, kung kaya mo naman pala."

"Don't worry. I will get him back sooner than you thought. Just stay out of my way."

My bad vibes meter today just hit 100 dahil sa mga pinagsasabi niya. 'Paepal' girl talaga sa buhay ko itong si Amanda! Pero wala nga rin bang makakapigil sa kanya? Argh!



Author's Note: Special po ang entry na ito. Sa mga hindi nakakaalam, si Merzedez Chevy Iluminada Lorena or 'Zed' for short ay ang bida sa "Miss Adventure Diary" na kwento ng espren kong si @QueenRichelle. So kung lumabas si Zed dito, iexpect niyo rin na may crossover ang ilang characters ko doon sa kwento niya. Malalaman niyo rin doon kung ano naman ang impression ni Zed kay Stacey dahil mas makulit ang mga entries niya dun! Basahin at suportahan niyo po sana ang Miss Adventure Diary ni QueenRichelle. Thankies~


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon