144: Saling-pusa

126K 2.1K 194
                                    


Napapadalas 'yung times na kapag nagkakasalubong kami ni Liam, nauuwi sa pagkukwentuhan. Kanina habang tumutulong ako sa preparation ng section namin, nautusan akong bumili ng drinks para sa ilan naming kasamahan. Kaya noong magkasalubong kami sa daan, tinulungan niya akong bitbitin ang mga pinamili ko at sabay kaming bumalik sa floor namin.

Habang naglalakad, topic namin ang tungkol sa paparating na foundation week. South Korea ang napunta sa kanila. Café ang gagawin nila infused with KPOP invasion! Bukod sa live performance para sa mga customers nila, 'yung mga waiters and waitresses nila ay mag-aala KPOP idols din.

Syempre, ibinida ko rin naman ang gagawin ng section namin. Medyo proud at confident pa nga ako na kami ang mangunguna sa sales. Ang nakakainis lang, parang hindi siya doon excited. Paulit-ulit niyang sinasabi na dapat makita raw niya akong mag-cosplay rin. Eww naman sa itsura ko! Kilabutan kaya!

Nang maihatid na niya ako sa classroom namin, dumirecho na rin siya sa classroom nila. Laking gulat ko lang nang pagpasok ko sa loob, may parang holdaper na umakbay sa akin at tinutukan ako ng pentel sa pisngi. Si Ara 'yun at sumunod na pumalibot pa sa akin sina Mina at Rose na parehong nakapamewang.

ARA: Stacey, anong ibig sabihin 'nun? Pinopormahan ka na ba talaga ni Sticky Guy?

AKO: Sticky Guy? Hindi na uso 'yun ah. At friends lang kami ni Liam.

MINA: Eh ano 'tong nababalitaan namin na nag-recess date daw kayo?

ROSE: Oo nga! Noong exams! 'Wag kang magkaila, may reliable source kami!

AKO: (Natawa) Recess date kayo dyan. Pangangantyaw lang 'yun ng mga kaklase niya. At sino bang nagsabi sa inyo?

Si Kasper na hindi man lang lumapit dahil busy sa pagpipintura ng banner ang biglang nagsalita.

KASPER: Si pards. (Tumingin siya sa akin)

AKO: (Natigilan. Naspeechless)

KASPER: (Tumingin na sa akin ng seryoso) Nagsumbong siya sa amin. Nakita raw niya kayo noong exams at noong katatapos lang ng bagong taon.

ARA, MINA, ROSE: (Lumayo na sa akin para samahan si Kasper)

KASPER: At magkaaway pala kayo pero wala kayong balak magkwento. Kaibigan ba talaga turing niyo sa 'min o saling-pusa lang kami?

Kinabahan na ako dahil sa boses at mga tingin pa lang nila, alam kong hindi ko sila masisisi kung makaramdam sila ng pagtatampo. Buong araw tuloy, tahimik lang ang grupo namin. Walang imikan, walang pansinan, puro pakiramdaman.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon