71: It's Over

175K 3.6K 646
                                    


CONTINUATION...

Pagdating ko sa may hagdanan kanina, hindi rin naman ako nakakain. Akala ko kaya wala akong gana dahil nabigo ako sa pagbili ng potato chips... pero ang totoo, hinahanap-hanap ko lang ang ingay at pangungulit nina Deane at Kasper. Tapos 'yung PDB moments nila, may iba na ring makakasaksi!

DEANE: Dito ka lang pala nagtatago, Yecats!

Nagulat ako nang bigla siyang magpakita. Pero anong ginagawa niya dito?

Humakbang siya paakyat at palapit sa akin. At akala ko kung ano nang gagawin niya pero inabutan niya ako ng isang balot ng potato chips. Hindi na nga ako nakasagot at hindi na rin nakapagpasalamat dahil tinalikuran niya ako at agad na bumaba.

'Yun lang pala ang ipinunta niya. Pero... pero... shet naiiyak na ako. Inaalala pa rin niya ako sa kabila ng mga ginawa at sinabi ko sa kanila.

DEANE: Yecats! (Bigla siyang bumalik) Umiiyak ka?

AKO: (Pasimpleng punas ng luha) Hindi ah... nag—nagpapawis lang... ang init kasi...

Yumuko na lang ako para hindi niya makita ang mukha ko. Akala ko umalis na siya. Bakit pa siya bumalik? At bakit naramdaman kong lumapit ulit siya sa akin? Bakit naupo siya sa tabi ko? Bakit ko naramdaman 'yung kamay niya sa balikat ko? Bakit? BAKIT?

DEANE: Mag-usap nga tayo. Harapin mo ako.

AKO: Ayaw. (Hindi ko siya hinarap)

DEANE: (Nagbuntong-hininga)

AKO: (No comment)

DEANE: Alam mo ba na akala namin ni pards, kaya mo kami iniiwasan at sinusungitan ay dahil alam mo na... 'yung pinagdaraanan ng mga babae... 'yung monthly... period.

Halata sa boses niya na nahihiya siya sa mga sinasabi niya. Dahek! Mas lalo naman ako! Iniisip niyang nagpi-PMS lang ako! Gusto ko sanang sabihin na last week pa natapos ang period ko at hindi ito dahil sa nagpi-PMS ako! Pero hindi ko sinabi. Nanatili akong nakayuko at itinatago ang mukha.

DEANE: Pero kinausap kami ng classmate niyo na si Ara noong mapansin niyang humihiwalay ka na sa amin. Sinabi niya sa amin ang nangyari doon sa CR at posibleng 'yun ang dahilan kung bakit lumalayo ka. 'Yun ba? Dahil lang 'dun?

AKO: Hindi lang yun 'LANG'! Minamalas lahat ng kumakaibigan saakin.

DEANE: Ano ba, Yecats! Hanggang ngayon ba, iniisip mo na ganun lang kababaw 'yung relation—I mean friendship na gusto kong—naming buuin? Ayan... nabubulol na ako!

AKO: Pero napapasama kayo dahil sa akin.

DEANE: Nagiging masama dahil naniniwala ka sa kanila! 'Yung kay Melanie, hindi ikaw ang pumatay sa kanya. May sakit siya! At sigurado ako na kung papayagan siya ni Lord na makabalik, 'yun din ang sasabihin niya! Walang malas sa pagkakaroon ng kaibigan!

AKO: Pero bakit bumaba scores mo sa exam?

DEANE: (Sandaling natahimik. Saka ako sapilitang hinila para magkaharap kami) Nag-aalala ka?

AKO: S—syempre...

DEANE: (Napatakip sandali ng mukha gamit ang isang kamay. Mayamaya, biglang tumawa) 'Yung last day ng exam, sobrang sakit ng tyan ko. Minadali ko ang pagsagot sa mga tests kasi maya't maya ko kailangan magbanyo. Pero above average pa rin naman ang scores ko! Baka nagtataka lang ang mga kaklase ko dahil nasanay sila na halos perfect ako sa mga exams!

AKO: (Ang tagal bago nag-process sa utak ko ang paliwanag niya) Teka, 'yun ba noong tumanggi ka sa potato chips at Jungle Juice party?

DEANE: Oo.

AKO: Sabi mo sinisikmura ka lang noon.

DEANE: Naman, Yecats! Syempre naman nakakahiya kung sinabi kong may LBM ako 'nun! Ayan, nasabi ko na!

Napatakip na rin ako sa bibig ko. Tapos hindi ko na napigilang matawa. Natawa na rin siya. Sabay kaming parang baliw. Kaso mayamaya, naiyak ulit ako. Ang laking shunga ko.

AKO: Sorry...

At pahagulgol na pero umurong ang luha ko nang yumuko siya palapit sa akin at ipinatong pa ang noo niya sa balikat ko. 'Yung isang kamay naman niya, nakahawak sa may gilid ng mukha ko.

DEANE: 'Wag mo na ulit gagawin 'to. Kung may problema, sasabihin mo agad sa akin. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa puso dahil sa pag-aalala.

Speaking of puso, biglang lumakas din yata ang kabog ng sa akin. Medyo natakot nga ako dahil parang lumala pa noong iangat na ulit ni Deane ang ulo niya at magkatinginan kami ng sobrang lapit.

AKO: (Change topic) Ka—kainin na natin 'tong potato chips.

Excited na akong kainin 'yung potato chips pero nahirapan akong buksan 'yung balot kaya si Deane na ang nagbukas. Tapos sinubuan niya ako ng marami, saka siya dumampot ng mas marami para isinalpak naman sa bibig niya. Sira ulong 'to! Natawa kami pero pareho ring halos mabulunan na!

Mga after ten minutes, saka naman nakasunod si Kasper.

KASPER: Ang duga mo, pards! Sabi mo itetext mo ako kapag nahanap mo na siya! Sinolo mo si Stacey!

DEANE: 'Wag ka nang magselos pards, ayos na nga eh.

KASPER: Aww! Namiss kita, Stacey! (Iha-hug niya sana ako)

DEANE: (Humarang) Cha-chansing ka pa eh! Ubos na 'yung potato chips. 'Di ba meron ka pa doon sa bag mo? Kunin mo na lang, dali!

KASPER: Pero—

DEANE: Dali! Sisipain kita!

AKO: (Natawa na lang)

Ito talaga ang namiss ko. Naayos din ang lahat. Paglayo days are over.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon