38: Hindi pa ako ready

192K 3.7K 212
                                    


Hindi planado ang entry na 'to. Ang balak ko talaga, sa graduation na 'yung final entry ko pero may nangyari kasi.

Ang all three sections ng fourth year ay sabay-sabay na bumababa kapag recess at lunchtime. As usual, tahimik at mag-isa lang akong kumakain. Nakayuko nga lang ako at hindi nakikipag-eye-contact sa ibang tao. Gaya ng dati, wala lang akong pakialam sa mundo.

Kaso may tao mula sa mundong iniiwasan ko ang pilit na nagpapansin. Si Deane.

Naupo siya sa kaharap na upuan sa lamesa kung saan ako kumakain. Nagulat ako sa pagdating niya at sandaling napatingin sa kanya. Nginitian niya naman ako gaya ng dati. Na para bang walang nangyari. Na para bang wala lang 'yung lumipas na panahon na hindi kami nagpapansinan noong mag-kaklase pa kami.

Napansin ko na nagulat rin 'yung mga taga-first section lalo sina Amanda at mga kabarkada nito sa ginawang paglapit saakin ni Deane. Para umiwas sa gulo, tumayo na lang ako at binuhat ko 'yung tray para lumipat sa ibang pwesto.

Kaso hinawakan ni Deane 'yung tray para pigilan ako. Ilang minuto kaming parang timang na nag-agawan ng tray pero nakaisip siya ng ibang paraan para manalo. Inalis niya sa tray 'yung platong kinakainan ko at 'yun ang ibinaba niya sa lamesa.

"Pabayaan mo sila," sabi niya. "Kumain ka lang."

Wala akong nagawa. Naupo na lang ako pabalik. Pinilit kong kumain ulit pero sa totoo lang nabawasan na ang gana ko. Naaalibadbaran pa ako sa grabeng pagtitig ni Deane.

Kinamusta niya ako bigla. Hindi ko siya inimik.

Pero gusto kong itanong sa kanya kung bakit niya ginagawa 'to? Bakit ngayon na lang? Minadali ko na lang na ubusin ang pagkain ko at pagkatapos ay tumayo na ako para maunang bumalik sa classroom namin.

Hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready na makipag-kaibigan ulit.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon