55: Nearsighted

170K 3.3K 194
                                    


Physics class. Sabi ni Mrs. Salvanera, magsusulat lang daw kami ng mahabang notes ngayong araw. Ang masaklap, ang liliit ng font sa powerpoint presentation niya! May classmate ako na nag-suggest na kuhanan na lang ng picture o kaya i-send sa email o i-copy na lang sa USB 'yung mismong presentation. Hindi pumayag si Mrs. Salvanera. Huwag raw kaming tamad magsulat. Eh siya nga 'tong tamad magturo!

Mabuti na lang, balewala na sa akin ang pagsusulat. Kaso puro reklamo 'yung mga kaklase at katabi ko. Kesyo ang sakit na raw ng kamay nila at kesyo hindi nila makita 'yung nasa presentation ni Ma'am. Tapos itong si Kasper pa, kinukulit ako.

KASPER: Oy, pakopya na lang ako ah?

AKO: (No comment)

KASPER: Hindi ko kasi talaga makita. Nearsighted ako.

AKO: (No comment)

KASPER: Lalabas pa naman daw sa exams 'to.

AKO: (No comment)

KASPER: Kaya pakopya ako ah! Oy! Oy, Stacey. Oy!

AKO: Oo na.

KASPER: Yehey! Nasa anong part ka na ba? Naka-ilang page ka na? Baka maubusan na naman ng tinta ballpen mo, pahihiramin ulit kita.

AKO: Hindi. Okay lang.

KASPER: Hayaan mo, ililibre rin kita ulit ng potato chips. Favorite mo 'yun, 'di ba?

Dyusko! Ano bang klaseng magnet meron ang katawan ko at may dumikit na naman sa aking makulit na tao? Mabuti na nga lang at kaya ko nang i-tolerate ang ganitong klaseng kadaldalan. Na-immune na ako kumbaga. At maalala ko lang...

AKO: May gagawin ka ba sa Sabado?

KASPER: Hmmm? Wala naman. Bakit?

AKO: Pwedeng kitang ayain?

KASPER: Saan?

Ayun, habang nagsusulat ako, sinabi ko sa kanya kung anong meron sa Sabado at kung bakit inaaya ko siya. Pumayag naman siya agad.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon