159: Emergency

132K 2.4K 293
                                    


Sabado ngayon, walang pasok. Walang mga assignments na kailangang tapusin at wala ring kailangang i-review dahil sa March pa naman ang huling quarterly exams. Dahil dyan kaya trip kong mag-relax lang ngayong araw.

Kaso ito namang si Deane, kinukulit ako sa text at chat. Gusto niyang makipagkita, eh ayaw ko ring magkikilos dahil mayroon ako ngayon. Sabi ko na lang, tinatamad akong umalis at gusto ko lang tumambay ngayon sa bahay para mag-soundtrip maghapon.

Ilang oras din ang lumipas na hindi na siya nangulit at nagkaroon rin ako ng katahimikan. Ngunit kinagabihan, isang nakakagulat na balita ang natanggap ko. Binulabog ako ng malakas na katok sa pinto at nang pagbuksan ko, kabado ang mukha ni Mama.

MAMA: Anak, 'wag kang mabibigla! Emergency. Tumawag si Deane!

Sa itsura at boses pa lang ni Mama, kinabahan na ako. Kung anu-ano na rin ang pumasok sa isip ko.

Tumawag si Deane? At anong emergency? May kinalaman ba 'to sa pangungulit niya sa akin mula kanina pa na makipagkita sa kanya? Ano ba kasi 'yun? May nangyari bang masama sa kanya?

Hinila na ni Mama ang kamay ko at patakbo na kaming bumaba. Pero pagdating namin sa living room, napansin ko naman si Papa na parang nagmumukmok sa isang tabi pero hindi naman niya kami pinigilan.

Pagdating namin sa labas, tumambad na sa akin ang 'emergency' na tinutukoy ni Mama.

Si Deane Carrasco, nakaupo sa may bench sa tapat lang ng gate namin. May hawak siyang gitara at mayamaya pa, hinarana na niya ako ng acoustic version ng Lihim.

Na-speechless na naman ako hindi dahil sa nag-malfunction ang bibig ko kundi dahil hindi ko hindi ko lang maalis ang tingin ko sa kanya. Ngayon ko lang sasabihin 'to pero ang gwapo-gwapo niya talaga. Walang anggulo na hindi perpekto. At hanggang ngayon kataka-taka pa rin na ako talaga ang gusto ng lalaking ito.

Matapos ang kanyang panghaharana, akala ko maglalabas siya ng bouquet pero laking gulat ko nang isang sako ng potato chips ang in-offer niya sa akin. Pero may paalala siya sa akin na 'wag ko lang daw ubusin agad-agad. Natawa naman ako. Kung sa bagay, mas gugustuhin kong makatanggap ng potato chips kaysa bulaklak.

AKO: Kinunchaba mo pa talaga ang parents ko.

DEANE: Parang labag pa nga sa loob ni Tito kanina pero buti napapayag ko siyang gawin ko ito.

AKO: Eh bakit mo pa nga ba kasi ginagawa 'to? E 'di ba tayo naman na ang magka-date.

DEANE: Hindi ibig sabihin na magka-date na tayo, palalampasin ko na hindi makapag-propose sa'yo. Isa pa, ang tagal ko na 'tong pinaghahandaan. Kaya Yecats, will you go to prom with me?

Bago ako makasagot, may nauna nang sumigaw ng "YES! YES! YES!" At si Mama ko 'yun. Mas excited lang! Inakbayan na nga lang siya ni Papa para takpan ang bibig para hindi na ito makapanggulo.

AKO: Yes, Deane.

Hay journal! Hanggang ngayon, habang nakahiga ako sa kama at nagmumuni-muni na lang, napi-picture ko pa rin sa utak ko ang nangyari kanina. Hindi yata ako makakatulog sa sobrang kilig.

PS. Ano naman kaya magiging reaksyon ng mga kaibigan namin kapag naikwento ko na sa kanila? Dyusko, naiimagine ko na!




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon