49: Close

170K 3.3K 145
                                    


Malapit nang mag-election week ulit pero marami ang hindi makapaniwala—kabilang na ako—sa early announcement na hindi na raw tatakbo para sa Student Council si Deane. Siya ang inaasahan ng lahat na maging President ngayon pero tinanggihan niya ito. Tuloy, ang ex-girlfriend niyang si Amanda ang sure nang kakandidato para sa posisyon na iyon.

Marami ang nasasayang dahil from first year to third year, kasama siya palagi sa line-up ng party list nila. Pero mas maraming curious kung ano nga ba talaga ang dahilan niya sa hindi pagsali ngayon.

Dahil dyan kaya marami ang naga-approach sa akin na tanungin at alamin ko raw kay mula kay Deane ang totoo nitong dahilan. Syempre nagtaka ako. Bakit ako? Bakit hindi na lang sila?

Ang sagot nila, "Kayo ang close eh!"



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon