123: Mga Balita

124K 2.1K 155
                                    


Hindi na muna ako pinapasok ng mga magulang ko kaya mag-isa lang ako rito sa bahay.

Si Papa ang nagpunta sa school namin dahil pinatawag ito ng school officials. Si Mama naman ang nagpunta sa ospital para makibalita at humingi ng tawad sa pamilya Dioso dahil sa mga nangyari.

Kanina pa rin ako tinitext at sinusubukang tawagan nina Kasper ngunit hindi ko sila masagot. Self-reflection lang ang ginawa ko buong araw. Kinakain ako ng kunsensya ko.

Gabi na nang sabay na makabalik ang mga magulang ko. Pareho silang may dalang balita.

May mga dala rin silang balita. Unang balita mula kay Mama, nagkamalay na raw si Amanda. One week siyang kailangang magpahinga sa ospital. Bukod sa cuts and bruises, may pilay ito sa kanang kamay at nagkaroon din ng moderated sprain sa kaliwang paa niya na maaring abutin ng isa hanggang dalawang buwan bago tuluyang gumaling.

Ang ikalawang balita ay mula kay Papa. Magkakaroon dawn g meeting sa Monday at kailangan na ako para hingian nila ng side ko. Kapag napatunayang may pagkakasala ako, maari akong ma-expel at hindi na maka-graduate.

Halatang problemado at disappointed ang parents ko. Pero kahit ganun, pinapalakas a rin nila ang loob ko.

Pero kahit na nanatili silang kakampi ko, hindi pa rin ako makatingin ng direcho sa kanila. Anong klaseng anak ako para bigyan sila ng ganitong problema? All my life, nagtino ako sa pag-aaral ko dahil ayaw ko silang biguin. Sa isang iglap, nalagay ito sa alanganin.

Hindi ko tuloy maiwasan isipin, mas mabuti siguro kung ako na lang 'yung naaksidente.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon