129: Newest Addition

129K 2.1K 235
                                    


CONTINUATION...

Masaya ang lahat dahil nakapasok na ulit si Amanda. Ngunit may kasama ring gulat at paninibago dahil tila ba naging newest addition siya sa grupo namin.

Si Deane kasi ang napakiusapan ng parents niya na mag-assist sa kanya. Ayaw naman daw ni Amanda na mapilitan si Deane na humiwalay sa amin dahil hindi siya maiwanan nito kaya nagpaalam siya kung pwedeng siya na lang ang makisama sa amin.

Hindi nakasagot sina Kasper, Ara, Mina at Rose. Sa akin talaga nila ipinaubaya ang pagde-desisyon kaya wala rin silang nagawa nang pumayag ako.

Pasasalamat na rin 'to sa ginawa ni Amanda kanina. Paghingi na rin ng tawad dahil nang ipagtanggol niya ako sa mga kabarkada niya, tila ba nilalayuan na siya ng mga ito.

Noong lunch break na, nauna nang maupo sina Amanda at Deane sa lamesang naka-reserba na talaga para sa grupo namin. Pinabaunan si Amanda ng Mommy niya at mukhang share sila ni Deane.

Kaming lima naman ng mga kasama ko ay nasa pila pa rin para bumili ng pagkain. Para silang mga bubuyog na bumubulong sa gilid ko.

KASPER: Talaga bang okay lang sa 'yo na sa atin na siya sasabay, Stacey?

AKO: (No comment)

ARA: Nakakainis eh! Pati pwesto mo, inagaw na rin niya.

MINA: Hay! Baka 'di ako matunawan.

ROSE: Ngayon pa lang wala na akong gana.

Nanatili akong 'No comment' sa mga pinagsasabi nila. Matapos din naming makabili ng pagkain, sabay-sabay na kaming nagtungo sa lamesa namin. Kanya-kanya nang pwesto ang mga kasama ko sa usual nilang spot samantalang isiniksik ko naman ang sarili ko sa tabi nina Mina at Rose.

AMANDA: Guys, gusto niyong tikman ang baon ko? Mommy ko nagluto nito.

ARA, MINA, ROSE: No thanks!

AMANDA: Masarap 'to, promise! 'Di ba, Deane?

DEANE: (Ngumiti at tumango)

AMANDA: Stacey, kuha ka!

Para wala nang daming satsat, tumikim na ako sa baon niya. Nakitim na nga rin si Kasper for the sake of pakikisama naman.

Pagtapos 'nun, matiwasay na kaming nakapag-lunch. For the first time nga, ang tahimik naming kumain. Wala man lang nagsasalita. Tanging si Amanda lang yata ang masaya habang nagshi-share sila ni Deane sa pagkain.

Tama nga sina Mina at Rose kanina. Hindi na rin yata ako matutunawan. Nakakawala ng gana.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon