140: Suplado

128K 2.1K 94
                                    


Pasukan na ulit. Hindi ako agad nakilala ng mga kaibigan ko dahil sa hairstyle ko. Kahit pagdating sa classroom, hindi ako pinatahimik ng ibang mga kaklase namin dahil naiintriga sila sa bagong gupit ko.

Imbes naman na mainis, wala. Plain lang reaksyon ko. Hindi ako napipikon, kung hindi deadma, nakukuha ko na lang din ngumiti. Siguro dahil namiss ko rin pala ang ingay at gulo. At bagong taon na nga, 'di ba? Kailangan baguhin na talaga ang pananaw sa buhay para sumaya naman ako.

Pero kanina para sa susunod sana naming subject papunta sa computer lab, nakasalubong namin si Deane. Sure akong nagtama ang mga mata namin, pero una siyang umiwas ng tingin at natuluy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa malampasan na niy akoa.

Kung hindi nga lang din siya napansin nina Kasper, hindi siya titigil sa paglalakad.

KASPER: Teka, si Deane 'yun, 'di ba? (Lumingon at sumigaw) Hoy pards!

DEANE: (Nagulat at lumingon sa amin) Ha?

ARA: Suplado ka ah! Hindi ka namamansin!

DEANE: (Natawa kunwari at nagpalusot) Nagmamadali kasi ako. Pinapapunta ako sa faculty room.

Nakatingin pa rin ako sa kanya. Inaantay ko kung titingin ulit siya. Pero umalis na lang siya ulit, hindi man lang kami nagbatian kahit simpleng 'Hello' man lang.

Hindi na rin ako nagtataka. Siguro dahil sa ginawa ko sa kanya noong Christmas eve. O marahil may kinalaman ito noong makita niya kami ni Liam.

Okay na rin siguro na ganitong nag-iiwasan kami. Hindi ko pa rin naman kasi sure kung paano siya haharapin at kakausapin tungkol naman sa sinulat niya rito sa journal ko. O kung siya nga ba talaga ito?


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon