2: Wala akong pake!

931K 12.7K 1.2K
                                    



Tandang-tanda ko pa noon kapag tinanong kung mayroon ba akong lovelife, diretso at isa lang ang sagot ko. WALA.

Wala dahil hindi ko pa nararanasan ang magka-crush o humanga sa iba. Hindi ko pa nae-experience na ma-inlove at hindi naman din ako nagmamadali.

Pero karamihan na sa mga kaklase ko, adik at favorite ang mga ganitong usapan. 'Yung mga girls, magkukumpulan para lang pag-usapan kung sino ang mga crushes nila. 'Yung mga boys naman, paunahan sa mga babaeng gusto nilang pormahan.

Hindi ko alam kung bakit uso ang ganitong topic sa edad namin. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang meron sa lovelife na 'yan. Bakit sila nagmamadali at nababaliw na magkaroon nito?

Basta ako, walang pakialam!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon