67: Taguan

152K 3K 121
                                    


Matagal kong pinlano kung paano makakaiwas kina Deane at Kasper.

Sa umaga nagtatago ako at sadyang pumapasok lang kapag malapit na talagang magsimula ang klase.

Kapag nasa classroom naman, sa tuwing susubukan akong kausapin ni Kasper, nagtutulug-tulugan ako o 'di kaya ay busy kunwari ako sa pagre-review.

Tuwing recess naman, nauuna na ako sa paglabas at aakyat na sa mas mataas na floor nitong school building. Sa may hagdanan na ako mag-isang tumatambay.

Sa pwestong, wala silang kaalam-alam na natatanaw ko sila sa quadrangle habang hinahanagilap nila kung nasaan man ako.

Nakaka-guilty. Sobra. Ni hindi ko alam kung nakakain na ba sila o inuna nila ang paghahanap sa akin. Pero maski man ako, hindi rin nakakakain ng matino. Nakaka-depress kasi. Hindi pa ako makabili ng potato chips at Jungle juice.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon