80: Red and Blue Corner

142K 3K 200
                                    


Mahirap kapag ang dalawang pinaka-malapit mong kaibigan ay may tampuhan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nareresolba ang BFQ nila Deane at Kasper kaya hindi ko rin alam kung saan ako lulugar! Actually, may lugar pala ako. Sa gitna nilang dalawa!

KASPER: Stacey, pakisabi nga sa isa dyan na dahan-dahan naman sa pag-ubos ng potato chips.

AKO: (To the red corner) Deane, dahan-dahan daw.

DEANE: Thursday ngayon. Pakisabi sa isang 'yan na ngayon siya nakatoka na manlibre kaya 'wag siyang aangal-angal.

AKO: (To the blue corner) Kasper, 'wag ka daw umangal.

KASPER: Hindi naman sa umaangal ako. Ang sabihin mo, ang takaw lang niya kasi!

AKO: (To the red corner) Ang takaw mo raw.

DEANE: Hindi ako matakaw. Sadyang ang damot niya lang!

AKO: (To the blue corner) Ang damot mo raw.

KASPER: Tsk! Kung ako madamot, siya naman ang labong kausap!

AKO: (To the red corner ulit) Narinig mo 'yun? Ang labo mo raw kausap.

DEANE: Hindi ako malabong kausap. Siya 'tong magulo ang ipinapakita!

AKO: (To the blue corner ulit) Ikaw daw 'tong magulo ang ipinapakita.

KASPER: Sira ulo ka pala eh.

DEANE: Baka ikaw.

KASPER: Ikaw.

DEANE: Ikaw.

AKO: Potato chips pa rin ba pinag-aawayan niyo?

DEANE & KASPER: (No comment pareho at sabay na tumalikod)

AKO: (Napayuko na lang) Hay...

Dinaig pa nila ang mga batang nag-aaway! Sumakit na lang ang leeg ko sa paulit-ulit kong paglingon from left to right to left again and to right again and repeat times infinity. Malapit ko nang pag-umpugin ang mga ulo nila!



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon