134: Trip Lang

121K 2K 114
                                    


Noche Buena na bukas. Isinama ako ni Mama na mag-last minute shopping pandagdag sa mga regalo at magiging handa namin para bukas. Marami kasing nag-confirm sa mga kamag-anak namin na dadalaw. Hindi rin syempre mawawala ang mga inaanak nilang manghihingi ng pamasko.

Matapos naming mamili, nagtanong si Mama kung bukod sa naibalot na nilang gift para sa akin, may gusto pa raw ba akong hilingin ngayon pasko? Sabi ko, meron pa. Gusto kong magpagupit ng buhok.

Sinamahan na niya ako sa salon at walang nagawa si Mama nang sabihin ko na doon sa manggugupit kung anong klaseng hairstyle ang gusto ko. Not that I really need this change. Wala lang. Trip ko lang talaga!


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon