31: Bestfriend!!!

193K 3.6K 147
                                    

Hindi ako pinayagan ni Mama na um-absent kaya pumasok pa rin ako. Pero may dahilan para ngumiti ngayon dahil sa wakas, pumasok na ulit si Mel na may pambungad niyang bati,  "BESSTTTTFFFRRRIIIEENDDD!!! Anong nangyari sa buhok mo?"

Dati kasi, hanggang balikat ang buhok ko. Pero dahil sa ginawa nina Amanda noong Friday, napilitan na akong magpa-pixie cut. Inaasar nga ako sa bahay na mukha na akong lalaki pero, "BAGAY SAYO!!!" Tuwang-tuwa si Mel sa new haircut ko.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Sobrang higpit! Nagtaka nga siya sabay sabing "Ayiiiiieh! Namiss mo ako noh?" Natawa na lang ako at tumango. Sobrang namiss ko talaga siya. 'Yung kakulitan niya. 'Yung ngiti niya. Siya.

Pero naiinis ako sa sarili ko. Kahit kailan talaga, ang traydor nitong bibig ko. Nag-malfunction na naman! Hindi ko na natanong kung bakit isang linggo siyang hindi pumasok. At marami rin akong gustong sabihin. Gusto kong magsumbong sa kanya na parang bata kasi hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Kaso hindi ko na nagawa.Hindi ko na lang sasabihin para hindi na lang siya madamay.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon