145: Hindi Na

127K 2.1K 396
                                    


Nagtatampo pa rin sa akin sina Kasper. Kahit na nakakasabay at nakakasama ko pa rin naman sila, ramdam ko ang distanya ng loob nila sa akin. Alam kong ang gusto lang naman nilang magkwento na ako. Na magsumbong na ako. Pero ayoko. Personal na problema ko 'to kaya ayaw ko silang idamay rito.

Kaya nga buong araw, nag-focus na lang ako sa pagtulong sa pag-aayos nitong room namin. Last day of preparation na rin kasi ngayon. Masyado kong nilibang ang sarili ko sa mga gawain kaya kahit noong mag-uwian na, nagpasya akong magpaiwan para siguruhing ayos ang lahat at walang matitirang kalat.

Ngunit noong inakala kong magiging tahimik na, natanaw ko namang palapit sa direksyon ko si Amanda.

AMANDA: Nice. Ang ganda ng room niyo.

AKO: (Poker face) Thanks.

AMANDA: In case you're wondering, bakit hindi ko kasama si Deane. Nasa office pa siya, nakikitulong na rin sa ilang council works para sa start ng foundation week.

Ever since nag-resume ang klase, nagbalik na ang dating aliwalas sa mukha niya. Wala nang bakas ng mga pasa sa kanyang balat at natanggal na nga rin ang benda sa kanyang kamay. Ngunit nakasaklay pa rin siya dahil hindi pa raw lubos na gumagaling ang mga paa niya. Kaya nga hindi pa rin siya maiwan ni Deane.

AMANDA: Nakapagpasalamat na ba ako sa 'yo, Stacey?

AKO: (Nagtaka)

AMANDA: Since that deal, slowly things are getting better between Deane and I. Nararamdaman ko na 'yung dating 'kami' dahil sa pagpaparaya mo.

Bakit? Bakit kailangan pa niyang sabihin ang mga bagay na iyon? At bakit kailangan ko rin makinig? Napahiling tuloy ako na sana mabingi ako kahit sa sandaling iyon lang. Kahit na wala naman siyang sinasabing masama at hindi rin naman niya ako inaaway, nasasaktan ako.

AMANDA: Thank you, Stacey.

AKO: (Napilitang ngumiti na lang. At aalis na sana pero...)

AMANDA: But there's one last favor na gusto ko pa sanang hilingin. (Kumapit sa braso ko) I'm planning to surprise him next week. And when that time comes, I hope to get your support. Maasahan ba kita, Stacey?

Pinanatili kong blangko lang ang expression ng mukha ko. Pero sa loob-loob ko, naghuhurumintado na ako, humahalakhak, nagwawala, halo-halo! Hindi na ako nag-isip pa dahil isa lang ang desisyon ko tungkol dito.

Handa ko na sana siyang sagutin, ngunit ginulat naman kami ng ingay mula sa mga nagbagsakang libro. Nang aming lingunin, si Deane pala. Agad kaming nagkatingan ni Amanda at alam kong pareho kami ng naisip na tanong, 'Narinig kaya niya?'

Pero tahimik lang si Deane habang pinupulot na isa-isa ang mga librong nagkalat sa sahig. Matapos 'nun, muli niyang inangat ang ulo sa direksyon namin pero kay Amanda lang siya nakatingin. Nag-aaya na itong umuwi na sila at parang hangin lang ako na 'di niya nakikita.

Nang maiwan na ulit akong mag-isa, may pinaulit-ulit akong bulong sa sarili ko.

Hindi na ako magpapa-apekto.

Hindi na ako magpapa-apekto.

Hindi na ako magpapa-apekto.

Hindi na. Hindi na. Hindi na.

Pero apektado pa rin ako.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon