28: Missing You

203K 3.9K 323
                                    


Dear Journal, (Para maiba lang ang intro)

It's been more than a week simula noong tinamad akong magsulat dito. Okay lang 'yun, wala rin namang nangyaring kakaiba last week. Pero ngayon magsusulat ulit ako dahil may nangyari na.

Naiimbyerna ako. Kinausap ako ni Amanda at sabi niya na layuan ko raw si Deane. WTF! Hindi naman na ako kinausap ng lalaking 'yun simula noong mahuli ko silang mag-kiss at mag-break sila! At tsaka as if! AS IF TALAGA!

Tapos after ng last recess namin at pabalik na ako sa pwesto ko, may nag-iwan ng sulat sa desk ko. From 'secret admirer' daw!!!

Sa inis ko, nilukot ko na agad 'yung sulat at itinapon sa basurahan. Alam ko kasing pinagti-tripan lang ako lalo pa't nakita ko kaninang nagbubulungan sina Amanda at mga kabarkada niya.

Halatang ako ang pinag-uusapan nila dahil tumitingin-tingin sila sa direksyon ko at saka sasadyaing magtawanan ng malakas. Nagpaparing pa na 'simpleng malandi' at 'mang-aagaw' raw ako. So sure talaga ako na sila ang may pakana ng kasumpa-sumpang sulat na 'yun.

Mga bwakanang peste lang sa buhay! Ngayon pa nag-absent pa si Mel kaya wala akong mapagsabihan. Dati okay lang saakin ang mag-isa. Kinakaya ko naman noon na pinag-uusapan ako ng patalikod—at madalas harapan pa nga! Pero ngayon, mas kailangan ko ng kaibigan. Nakakamiss si Mel.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon