10: Sitting Arrangement

301K 4.9K 241
                                    

Second day.

Ngayon lang ako makakapagsulat dito sa journal ng dalawang magkasunod na araw. Wala kasi akong magawa. Nalulungkot ako. Naiinis din ako sa mga kaklase ko. Parang pinaparamdam nila saakin na may sakit akong nakakahawa kaya kailangan nilang layuan. Ang sarap tumawa na talsik ang laway! Tignan ko lang ang kaartehan nila.

Sanay naman akong maging loner simula first year and second year. Pero 'yung mga kaklase ko naman noon, kinakausap pa rin ako! Eh 'yung mga classmates ko ngayon, isang tingin ko lang parang diring-diri na! Nakakainis!

Shet. May sh*tting—sitting arrangement pa! Sa may gitnang row ako napunta pero mabuti na lang at sa may tabi ng bintana ang pwesto ko. Hindi na rin masama. Kapag sobra akong na-depress, madali na lang tumalon mula dito sa pwesto ko. Joke! Maganda 'yung langit. Masarap titigan. Pero ginugutom ako habang nakatingin sa mga ulap. Para kasing cotton candy.

Ay wait! Yung katabi ko......... Shet!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon