139: Ghost Writer

133K 2.1K 240
                                    


Sa January 4 na ang balik-eskwela pero 'di ako pinatulog ng mahiwagang entry #95 na 'yun! Gusto ko nang malaman ang totoo kaya nag-message ako kay Liam at nakipagkita sa kanya.

Sa isang café ang usapan namin at mukhang kanina pa siya naghihintay. Nang lumapit ako, hindi niya ako pinansin dahil hindi niya ako agad nakilala. Kung hindi pa ako naupo ng direcho sa kaharap niyang upuan, hindi niya malalaman na ako na 'yun.

LIAM: Stace! Hindi kita nakilala!

AKO: (Obvious nga. No comment)

LIAM: Wow! Uso 'yan 'di ba? Bagong taon, bagong gupit.

AKO: Noong Christmas pa 'to.

LIAM: (Tinignan ako from different angles) Bagay sa 'yo.

AKO: (No comment)

LIAM: Kumain ka na ba? Um-order ako ng drinks at desserts para sa atin.

AKO: (No comment)

LIAM: Natuwa talaga ako noong first time mong mag-message sa akin. Ano nga palang dahilan bakit gusto mong makipagkita sa akin?

Kinuha ko sa bag ko ang journal ko, binuklat ito sa entry #95 at ibinalandra sa pagmumukha niya.

AKO: Anong ibig sabihin nito?

LIAM: (Pabulong na binasa 'yung nakasulat) Tula yata 'yan... o kanta?

AKO: Niloloko mo ba ako?

LIAM: Hindi. Hindi ko talaga sigurado.

AKO: Eh bakit sinulat mo rito?

LIAM: Huh?

AKO: At tsaka umamin ka na. May binasa ka talaga sa mga entries ko.

LIAM: (Natatawa siyang napakamot na lang sa ulo) Tulad ng sinabi ko sa 'yo noon, hindi ko binasa 'yan. At lalong hindi ko sulat 'yan.

Para patunayan, nanghiram siya ng ballpen at nagsulat siya isang tissue paper. Tapos ay pinag-compare namin ang handwriting niya sa handwriting na naroon sa journal ko. Pahiya ang lola mo! Magkaiba nga ito! Pero...

AKO: Sabi mo, ikaw ang nakakuha nitong journal ko? Ikaw pa nga ang nagbalik sa desk ko, 'di ba?

LIAM: Oo nga. Pero hindi naman ako ang unang nakapulot.

Saka lan naikwento sa akin ni Liam na una niyang nakita ang journal ko sa 'Found Items' booth doon sa Facilities Management Office. Ibang tao raw ang nakapulot at nag-surrender nito mismo sa office. Ang taong iyon ang posibleng nagsulat din ng mahiwagang #95 na ito.

Para yatang sandaling humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ang tanong, sino ba talaga ang nagsulat nito?

AKO: Pasensya ka na, Liam. Akala ko ikaw na talaga kasi pamilyar din ang handwriting nito.

LIAM: Siguro kaya pamilyar kasi baka kakilala mo lang din talaga ang nagsulat niyan.

May point siya dun kaya napaisip tuloy ako. Isang tao pa ang pwede kong paghinalaan.

Siya ang nakabungguan ko noong oras na mawala ko itong journal. Siya rin ang agad na nag-suggest na hanapin namin ito sa 'Found Items' ng office. Siya ang sobrang nabadtrip nang hindi namin ito nahanap doon, at labis pa ang pagkagulat niya nang mapunta na ito sa desk ko.

Para mapatunayan ang hinala ko, pasimple kong sinilip 'yung entry #91 kung saan naka-stapler 'yung sulat niya na 50 Facts tungkol sa sarili niya.

Hindi man ako professional, kitang-kita ko ang resemblance sa handwriting niya at ng ghost writer nitong journal ko. Walang iba kundi...

LIAM: Si Deane!

AKO: (Nagulat) A—alam mo na rin?

LIAM: Huh?

AKO: May idea ka na rin na si Deane nga nagsulat nito?

LIAM: (Napakamot sa ulo) Hindi... pero ang ibig kong sabihin... (May itinurong direksyon) Si Deane 'yun, 'di ba?

Sa may kalsada habang naka-red ang traffic lights, matatanaw ang isang lalaking nakasakay sa kanyang motor. Nakaangat ang salamin sa helmet niya kaya kitang-kita talaga ang mukha ni Deane.

Sigurado rin kami na nakatingin siya sa direksyon namin ni Liam. Napatayo ako at noong inakala kong ililiko niya ang motor para lumapit sa amin, nag-green ang traffic lights at nagpaharurot siya paalis hanggang sa hindi na namin siya matanaw.

Muli kaming nagkatinginan ni Liam. Parehong may bakas ng pagtataka sa mukha.

LIAM: So tingin mo si Deane nga ang nagsulat niyan?

Hindi na ako nakasagot at napakibit-balikat na lang.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon