161: Nagtitipid

127K 2.1K 100
                                    


Matapos ang Senior Prom, mabilis na lang din lumipas ang panahon. Ang tagal ko ring hindi nakapagsulat dito pero hindi dahil sa tinatamad ako ah. Sadyang tinitipid ko lang kasi ang mga natitirang pahina nitong journal ko dahil numinipis na kasi. At may gusto pa akong ilaan na special entry dito kaya kilangan talagang umabot ito hanggang graduation.

Siya nga pala, katatapos lang ng 4th quarterly exams namin kahapon. Last na 'yun para sa school year na ito kaya ang laking luwag sa dibdib naming mga estudyante. Ngayong araw naman, naghahanda at excited na ang lahat para sa 3 days school retreat namin na magsisimula bukas. Sunud-sunod na ang happenings.

Ngunit habang iniisip ng lahat ang bilang nang mga araw namin sa eskwelahang ito pati na rin ang magiging buhay namin pagdating sa college, kasama naman sa iniisip ko ang nalalapit na ring pag-alis ni Deane patungong Canada.

Kanina niya unang sinabi sa akin ang schedule ng flight nila ni Ate Jean. Naka-set na raw ito sa May 2, just two days after graduation. Wala na nga lang akong ibang nasabi kundi, "Ang bilis naman." At ang naging simpleng sagot naman niya ay, "Oo nga eh."

Hindi naman siya mawawala sa mundo pero parang ganun na rin kasi ang pakiramdam dahil ilang taon ko siyang hindi makikita at makakasama. Mawawalan ako hindi lang ng best friend kundi ng inspirasyon.

Hay! Nakakalungkot pero ayaw ko na lang ding ipahalata sa kanya. Ang tanging magagawa ko na lang ay sulitin ang mga natitira panahon na magkasama kami.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon