167: A Letter To Deane Carrasco

120K 2.3K 293
                                    


Dear Deane,

Kung binabasa mo ito ngayon, ibig sabihin ay may ilang libong milya na ang layo natin sa isa't isa. Ngunit 'wag kang mag-alala sa akin. Siguro sa mga oras na ito ay kumakain lang din ako ng potato chips para hindi na masyadong malungkot.

Marahil ay nagtataka ka rin kung bakit itong journal ko ang regalo ko sa'yo. Simple lang ang sagot. Dahil sa kabila ng tagal ng samahan natin, maraming bagay akong hindi pa nasasabi sa'yo. Sa pamamagitan ng mga entries na naisulat ko rito, gusto kong malaman mo kung paano ka naging malaking impluwensya sa buhay ko at kung paano mo binago ang pananaw ko tungkol sa love.

Pero lilinawin ko lang din. Hindi ko ibinibigay ang journal ko kundi ipinapahiram lamang sa'yo. Gumawa nga rin pala ako ng listahan ng mga bawal mong gawin habang ikaw ang tagapangalaga nito.

1. Bawal kang mag-selfie na hawak ito.

2. Bawal ipagsabi ang mga mababasa mo.

3. Bawal palitan ang mga nakasulat.

4. Bawal lukutin o itupi ang mga pahina.

5. Bawal gamitin bilang patungan ng baso.

6. Bawal matapunan ng kape o juice.

7. Bawal gamiting pamatay ng insekto.

8. Bawal drawingan.

9. Bawal ipabasa sa iba.

10. Bawal mong iwala.

Mura lang ang bili ko sa journal na ito noon pero katumbas na ito ng buhay ko ngayon. Kaya sa oras na may hindi ka masunod sa mga ipinagbabawal ko, hindi kita iimikin sa loob ng isang taon kahit pa nakabalik ka na. Hindi naman sa tinatakot kita pero sana matakot ka pa rin.

Ngayon pa lang ay miss na miss na kita. Pero 'wag mo sana akong masyadong kukulitin sa chat dahil alam mo namang madalang lang din akong mag-online.

Mag-aral ka ring mabuti. 'Wag kang masyadong kakain ng maaalat na pagkain para hindi bumalik ang sakit mo. At basta palagi mo lang ingatan ang sarili mo dahil kapag may nangyari sa'yo, asahan mong maraming mag-aalala sa'yo lalong-lalo na ako.

Hanggang dito na lang at hanggang sa muli nating pagkikita.


-Stacey


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon