112: Safe

142K 2.5K 220
                                    


May mga estudyante mula sa school newspaper ang lumapit sa akin kanina at hinihingian ako ng statement tungkol sa real score between sa amin ni Liam. Like seriously? Ang daming ibang issue sa school na pwedeng i-balita pero itong walang katuturang kwento pa talaga ang trip nila?

Ako tuloy ang nahihiya para sa henerasyon namin. Sabi nila, 'yun daw kasi ang trending and for fun lang naman. Neknek nila!

Hindi rin naman nila ako malapitan tuwing recess dahil takot lang nila sa mga kaibigan kong nag-aala bodyguards.

Kaso noong uwian na, dahil wala naman akong kasabay pauwi, doon sila humanap ng tyempo para sundan ako. Kamuntikan na nila akong ma-corner 'nun kaya wala na akong choice ang takbuhan sila. Parang sa action movie talaga 'yung nangyaring habulan kanina!

May unexpected twist pa dahil nang lumiko ako sa isang kanto, may humablot naman sa akin patungo sa isang eskinita. Grabe ang kaba ko 'nun, akala ko masamang tao na. Ngunit gaya pa rin pala sa mga palabas, tagapagligtas ko pala siya.

AKO: Deane!?

DEANE: Sheesh...

Nakaakbay siya sa akin. Iniharang niya ang sariling katawan para itago ako. Ramdam ko na safe na ako. Ang bango pa ng pabango niya. At nanatili kaming tahimik sa ganung posisyon hanggang sa malampasan na kami ng mga estudyanteng humahabol sa akin.

DEANE: Bakit ka ba nila hinahabol?

AKO: Kinukulit nila ako tungkol sa amin ni Liam.

DEANE: Ano bang tungkol sa inyo ni Liam?

AKO: Wala.

Tama naman ang sinagot ko, 'di ba? Ano bang meron sa amin ni Liam eh wala naman talaga. Akala ko nga magtatanong pa siya ulit o kaya magpapa-kwento tulad nina Kasper, pero hindi niya ginawa. Tumitig lang siya sa akin ng blangko na para bang may iniinda ng sakit. Nang tanungin ko naman, tinawanan niya lang ako at agad na umiwas ng tingin.

Hanggang sa pag-uwi ko ngayon, nakatatak pa rin sa akin ang itsura ni Deane. Nalulungkot siya sa 'di ko malamang dahilan kaya nasasaktan din ako.

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon