23: Wrong Name

219K 3.8K 248
                                    


Inis na inis saakin si Amanda. Inis na inis saakin 'yung mga kaibigan niya. Inis na inis saakin ang mga ka-partida niya pwera si Deane. Inis na inis saakin ang buong klase pwera si Mel. Inis na inis ako sa sarili ko.

Amanda JANE Dioso pala pangalan niya. Akala ko JOY eh! Mahina talaga ako sa names. Kailangan ko raw baguhin 'yung flyers dahil bukas na kailangan 'yun! Magpa-print daw ako ulit at hindi na sila magbibigay ng budget! Mag-abono raw ako dahil kasalanan ko.

EH KULANG NA BAON KO!!!

Buti na lang nag-suggest si Mel na patungan na lang ng Jane 'yung Joy. Magpapa-print lang kami ng mga papel na puno ng Jane at 'yun ang gugupitin at ididikit namin sa flyers. Pumayag naman sila pero hindi na raw sila tutulong dahil kailangan nilang magpahinga para sa pangangampanya bukas.

Si Mel lang ang nagpaiwan para samahan at tulungan akong tapusin ang mga flyers. 











CONTINUATION...

Nagpaalam si Deane sa girlfriend niya na magpapaiwan din daw siya para tumulong saamin. Hala!!!

MAMAYA NA ULIT...


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon