142: Recess Date

125K 2.2K 150
                                    


Isang subject na lang at tapos na ang exams ngayong araw. Bilang maagang selebrasyon, nagpasya akong pumunta sa cafeteria para bumili ng potato chips. Pagdating doon, walang masyadong tao. Kung wala sa library, paniguradong nasa kani-kanyang rooms ang mga estudyante ngayon para mag-review.

'Yan ang hirap sa kanila. Kung kailan araw na ng exams, saka lang nag-aaral. 'Yan tuloy ngarag sila! Parang mga kaibigan ko rin. Kaya nga hindi ko sila kasama ngayon at mag-isa lang ako.

Naupo na ako sa isa sa mga upuan. Inire-relax ko na lang ang utak ko habang ini-enjoy ang pagkain ko. Pero may nangalabit sa akin at hindi ko pa man inaayang samahan ako, naupo na agad siya sa tabi ko.

LIAM: Bakit mag-isa ka lang?

AKO: Nagre-review sila.

LIAM: Bakit hindi ka nagre-review?

AKO: Ang tagal ko nang nakapag-aral. Kinukundisyon ko na lang utak ko.

Ngumiti si Liam. Umalis ulit siya sandali para bumili rin ng sarili niyang pagkain. Pagbalik niya, may hawak na siyang sarili niyang potato chips at may Jungle juice pa. Binigay niya 'yung isang juice sa akin.

AKO: Thanks.

LIAM: Ano na nga palang balita?

AKO: Balita?

LIAM: Tungkol sa inyo ni Deane?

AKO: (Kain lang ng potato chips. Inom ng juice. No comment)

LIAM: Natanong mo na ba sa kanya kung anong ibig sabihin 'nung—

AKO: Sheesh!

LIAM: (Nagtaka)

AKO: Ayoko nang pag-usapan ang tungkol dun.

LIAM: Bakit naman? Hindi ka ba naku-curious?

AKO: Naku-curious pero kung siya talaga ang nagsulat 'nun, feeling ko isa lang ulit sa mga kalokohan niya. Kung hindi man, baka nga nakalimutan na rin niya na sinulatan niya ang journal ko. Pero basta! Ayoko nang pag-usapan 'to.

Hindi mahirap kausap si Liam. Nang sabihin ko 'yun, itinigil na rin niya ang pagtatanong. Nauwi na nga lang sa palitang question and answer tungkol sa huling test mamaya ang usapan namin.

Ngunit habang magkasama kami, hindi namin namalayan na may mga kaklase na pala niya sa paligid na nakatingin sa amin. Nginiting-ngiti ang mga ito at sabay-sabay na nangantyaw, "Nice one, Liam! Recess date sa cafeteria! Tuloy na ba panliligaw?"

Namula si Liam at napatakbo papunta sa mga kaklase niya para patigilin ang mga ito sa pang-aasar. Imbes naman ma-awkward o mainis, kataka-takang natawa na lang din ako. May cute sides din 'tong si Liam. Asar-talo lang.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon