127: Girl's Talk

128K 2.1K 104
                                    


Sabado ngayon. Nagulat ako sa biglang pagdalaw naman nina Ara, Mina at Rose at may mga dala pa silang pagkain na pagsasaluhan namin. Tumambay kami sa kwarto ko. Feel at home agad sila.

Ayos din ang pagdating nila dahil pansamantalang nawala ang lungkot ko.

Namiss daw nila ako ng sobra. Namiss nila ang katahimikan ko. Kung pwede nga raw um-absent noong mga nakaraang araw, ginawa na nila.

Ang dami rin nilang kwento. Sinusubukan nila akong pasayahin kahit pa alam kong kating-kati na rin silang magpa-kwento tungkol sa totoong nangyari.

ARA: Sa Monday naman, makakapasok ka na, 'di ba?

AKO: Oo... pero baka um-absent pa rin ako.

MINA & ROSE: Bakit naman?

AKO: Nag-eenjoy ako sa early Christmas vacation ko.

But of course, kasinungalingan 'yun.

ARA: Balita ko, makakapasok na rin si Amanda sa Monday.

AKO: 'Yun nga rin ang alam ko.

ARA: E 'di dapat pumasok ka na rin!

MINA: Oo nga! Baka kung anu-ano pang ikwento ng Amanda na 'yun!

ROSE: Subukan lang niyang siraan ka pa ulit, dadagdagan namin ang pilay niya!

AKO: Hindi na siguro 'yun gagawin pa ni Amanda. Nagkasundo na kami.

MINA: Nagkasundo? As in, nagkabati na kayo?

AKO: Parang ganun na nga.

ROSE: So nag-sorry na siya sa mga ginawa niya sa 'yo?

AKO: (Natigilan. Napayuko. Umiling) Hindi naman na kailangan 'yun.

ARA: Anong hindi kailangan? Ibig sabihin, nagkasundo kayo nang hindi man lang niya pinagsisisihan ang mga kasalanan niya? Ano ka ba naman, Stacey! For sure may ibang pinaplano 'yun kaya lang siya nakipag-ayos sa 'yo!

AKO: (No comment na lang)

ARA: May hindi ka ba sinasabi sa amin?

MINA: May kinalaman ba 'to sa nangyaring aksidente?

ROSE: O kaya kay Deane? May kinalaman kay Deane?

AKO: (No comment pa rin)

Sabay-sabay na nanlumo silang tatlo pero kahit na alam na nilang may hindi ako sinasabi sa kanila, inintindi pa rin nila ako. Naramdaman ko pa rin ang suporta nila.

ARA: (Biglang umakbay sa akin) Ayos lang 'yan. Kung hindi ka pa handang sabihin sa amin ngayon, hindi ka naman pipilitin. Basta kapag may nang-away sa 'yo, papabugbog ko silang lahat kay Kasper.

MINA: Mas maton ka pa kaya kay Kasper. Mas mabubugbog mo sila!

ARA: Eh kung ikaw kaya bugbugin ko!

ROSE: Ayan na! Ngingiti na si Stacey!

ARA, MINA & ROSE: Ngingiti na 'yan! Ngingiti na 'yan! Ngingiti na 'yan!

AKO: Ang ingay niyo. Nakakabulabog sa mga kapit-bahay. (Pero ngumiti na rin)

ARA, MINA & ROSE: (Hinila ako para sa isang group hug)

Hindi sa wala akong tiwala kaya hindi ko masabi sa kanila ang deal na ginawa ko kay Amanda. Ayaw ko lang na maging kumplikado pa. Ayaw ko lang na pati sila, madamay pa.

Tama na sa akin na nanatili sila sa tabi ko.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon